IMAGINATION 55

48 4 0
                                    

• CHAPTER 55 •

"Ms. Aj! Bakit po basang basa kayo!" Nagsilapitan ang mga maids sakin pag uwi ko, dahil sa mukha akong basang sisiw.

"Ms. Aj, may payong naman po kayo, bakit di niyo ginamit?" Tanong ni manang, napatingin ako sa gray na payong na hawak ko.

"Iyo na yan, kung ayaw niyo tapon niyo na lang." Inis na sabi ko at nag martsa paakyat nang kwarto.

Yung payong na yun kasi eh bigla na lang lumitaw matapos umalis ni Daze. Tss. Sinasabi ko na nga ba't siya ang may gawa nun.

Bwiset siya! Ayaw ko na talaga siyang makita!

Dumiretsyo na lang ako sa CR pag pasok ko sa kwarto. Nag half bath lang ako.

*****

"Ms. Aj, sorry po di kita nasundo. Kasi po nag pasundo rin po si Sir Lj eh." Dahilan ni manong driver. Tinanguan ko lang siya at sinara ang pinto. Wala ko sa mood makipag usap ngayon.

Humilata na lang ako sa kwarto dahil sa sama nang pakiramdam ko.

****

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Gritch sakin. Nandito kami sa room ngayon, at eto ako, nilalagnat.

Tinanguan ko lang siya dahil wala akong ganang makipag usap ngayon. "Ay! Palit na nga tayo! Nandyan na ang salot!" Sabi ni ate Ayu at iritang irita sa pag dating ni Daze.

Napabuntong hininga na lang ako at nag palit kami nang seats. Naupo na ngayon si Daze sa tabi ko, pansin ko rin yung red nose niya at pasinghot singhot.

"Uh, may sipon ka?" Tanong ko. Napatingin siya sakin at ngumiti.

"Ah, yeah.. Nag pabasa kasi ako sa ulan kahapon, ikaw? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Uh, no Im fine." Pag sisinungaling ko, tumango lang siya sabay tumawa. Nagtaka naman ako dahil sa bigla niyang pag tawa.

"Uhm, sorry.. Im sorry for our epic date." Tumatawang sabi niya. Natawa lang rin ako. Imagine that's my first date pero...

Sumama ang mukha ko dahil naalala ko nanaman ang bwiset na yun! Dahil sa kanya na sira ang first date ko.

Nakuyom ko tuloy ang kamao ko. "U-uh, a-are you okay?" Tanong ni Daze. Nilingon ko naman siya at pekeng ngumiti.

Dumating na rin si Mam minutes later.

*****

"Can I join you for lunch? My treat, pambawi sa kahapon." Bulong sakin ni Daze. Ngumiti ako sa kanya.

"Sure." Sabi ko.

Lumabas na kami nang room at sabay sabay kaming napaatras nang mga kasama ko nang bumungad samin si Athena na may nakakatakot na tingin—well, normal na tingin na yun para sa kaniya.

"Sumama ka sakin." She coldly said. Tinignan naman ako nang mga kasama ko, si Gritch ay sobrang higpit pa nang kapit sakin at parang ayaw ako pakawalan.

"A-ah guys, mauna na kayo. Susunod ako." Paalam ko at pilit na ngumuti kasi natatakot din ako. Pinilit kong hatakin ang braso ko na hawak ni Gritch.

Gusto ko sana tumawa dahil sa ekspresyon nang mukha niya eh pero di ito ang oras para dun.

"Babalik ako, ano ka ba." Sabi ko at kinalas na niya ang pag kakahawak niya sakin.

Dali dali ring umalis si Athena nang pakawalan ako ni Gritch, sumunod naman ako sa kanya.

Pansin ko ay papunta kami sa isang di mataong lugar dito sa school. "Uh, Athena.. Anong gagawin natin dito?" Kinakabahang tanong ko.

Huminto siya at hinarap ko. Gad! Nakakatakot siya! Lumapit siya sakin na siyang kinaatras ko.

Mas lalo kong ikinatakot nang may dukutin siya sa bulsa niya. Napasigaw na lang ako nang ilabas niya ang...

"Gamot?" Takang tanong ko. Nagulat ako nang bigla siyang ngumisi na parang natatawa. Woah? Tumatawa pala ang isang 'to.

"Yea. Bakit ano bang akala mo? Papatayin kita?" Sabi nito at inabot sakin ang gamot. Woah. Mind reader rin.

Bumalik sa dating ekspresyon ang mukha niya nang tanggapin ko iyon. "S-salamat?" Patanong na sabi ko kasi baka mamaya pabor pabor chu chu yan eh.

"Wag kang mag pasalamat sakin kasi"

"Oo na pabor pabor! Sino ba kasi yung humihingi nang pabor na yan, why can't you tell me?" Iritadong tanong ko.

Nakakapanghinala na kasi eh. Ang dami niyang nalalaman. "Bakit ang dami mong alam, si Gritch lang naman ang may alam na may sakit ako eh." Dahilan ko.

Di rin naman halatang may sakit ako kaya impossible na malaman niya.

Kalmado niya lang akong tinignan, her eyes... Ngayon ko lang napansin na iba pala ang kulay nito. Parang unordinary. Kulay violet.

Napaiwas tingin siya dahil sa ginawa kong pag tingin sa mata niya and by that pansin ko rin ang ilang buhok niya na kulay violet.

Impossible, bawal mag pakulay nang buhok dito at bawal din ang other color nang contact lens.

Bigla akong napaisip, no one in this world have an violet eyes and violet hair color. "Seriously? Who are you?" Tanong ko.

Napatingin siya sakin. "Im Athena De Verra, Didn't I already tell you?" Sabi niya.

"No... I know your not!" Paninigurado ko, Im really sure that she's not a ordinary person. Sabi nang instinct ko.

"Say's who?" Sabi nito and she smirk and it scares me a lot. Lumapit siya sakin at unti unti na kong napaatras. Nag sisi ako at sumama ako sa kanya.

"What if... Im not an ordinary person.. Just like what you think? Anong gagawin mo? May magagawa ka?" Tanong niya.

Napaupo ako dahil sa may nakausling kung ano sa sahig. Umupo siya sa harap ko.

"Little girl, don't you know who I am? Didn't he tell you?" Sabi nito and her eyes gets darker and darker. "You really want to know.."

"Violet! Don't touch her!" Pamilyar na boses ang narinig ko, ang boses na matagal tagal ko nang di naririnig.

Lumagpas ang tingin ko kay Athena and I saw him.. I saw Ash Gray, pero mukhang di lang pala ako ang nakakakita sa kanya.

"Oh, your dear savior is here.."

-

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now