IMAGINATION 32

53 7 0
                                    

• CHAPTER 32 •

Matapos ang class ni Mam Ynzejo samin ay agad niya kaming pinasunod, medyo kinakabahan nga ko eh, dahil first day pa lang namin ay papagalitan agad kami dahil sa ginawa nitong isang 'to.

Napatingin tuloy ako ng masama kay Heart na ngayo'y diretsyo lang na nag lalakad.

"Come in.." Yaya ni Mam, nandito na pala kami sa faculty. Pumasok kami at sumod kay Mam papunta sa table niya.

Umupo kami sa chair sa harap nun at si Mam naman ay doon sa upuan sa harap. Seryoso niya kaming tinignan. Natakot naman ako.

"A-Ah, about po sa kaninang ginawa ng kapatid ko.. Sorry po sorry po talaga, wag-" natigil ako ng tumawa si Mam. Eh?

"Don't worry, I we won't talk about that.." Nakangiting sabi ni Mam. Nangunot ang noo ko. Huh?

"Eh bakit niyo po kami pinatawag dito?" Tanong ko. Muling naging seryoso ang mukha niya.

"Well, I wanted to say that I understand your and your twin's situation right now, prinoprotektahan din ng school ang issue about dito, so as a Principal -"

"What?! Principal po? S-sorry po talaga Mam! Sorry po!" Sabi ko at balak ko pa sanang lumuhod pero pinigil niya ko.

"You don't need to do that, actually, both of you are in a higher position than me.." Nakangiting sabi nito. Nangunot ang noo ko at ganun din si kambal.

"What do you mean?" Biglang tanong ni Heart.

"Ow? You didn't know?" Nag salit salit ang tingin niya saming dalawa. "Well, I guess so..."

"Okay, to start this.. I wanted to star from the very start.. 80 years ago.. There was a young man who build this school-Um wait.. Parang masyado yatang mahaba yun so to make it short, Don Atrias Bonifacio is your great great grandfather.."

Nablanko ako for a minute... "WHAT?" Gulat na sabi ko ng rumehistro sa utak ko ang sinabi niya.

"Don Atrias Bonifacio is your great great grandfather.." Ulit niyang muli, muli akong natanga at tinignan ang kambal ko na mukhang nag proproseso pa sa utak niya ang sinabi ni Mrs. Ynzejo.

Muli kong binalingan si Mrs. Ynzejo. "You mean, yung Don Atrias na original na nag patayo at may ari nitong school na ito?!" Gulat na sabi ko.

Ngumiti si Mam. "Yes, you heard it right.." Sagot ni Mam. Wat? Is this even true..

"And, Mr. Anthony Argebaht, your grandfather is the second owner of this school.." Sabi nito.

"And your mother, Ms. Jenxa Argebaht is the current owner of this school.." Lalo naman kaming nagulat, what?! Si Mom? How can it be?! Ganito ba kayaman ang Argebaht?

"And You, Angela and Luis.. Is the next owner of this school.." And with that literal na kong napanganga.

°o•???

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now