IMAGINATION 11

63 7 0
                                    

• CHAPTER 11 •

"Ash gray, may iba na siya..." Umiiyak na saad ko, pero natigil ang pag iyak ko ng bigla na siyang humalakhak.

Nangunot ang noo ako saka tumayo. Tinampas ko ang dibdib niya pero di siya tumigil sa pag tawa.

"Nasasaktan na nga yung tao! Tinatawaman mo pa!" Inis na sabi ko.

Tumigil siya sa pag tawa at akala ko ay tapos na pero ngumisi siya ng nakakaloko.

"Ay, tao ka pala?" Mapang asar na tanong niya sabay tawa ulit.

Inis ko siyang tinalikuran at pumunta doon sa may swing, naupo ako doon at tumingin sa kung saan.

"Hoy! Biro lang naman sineryoso mo agad." Dinig kong sabi niya mula sa likod ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag upo niya sa kabilang swing sa tabi ko.

"Sorry okay? I just want you to know na wala ka dapat kasi at first wala ka namang karapatan." Sabi niya.

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sakin at nakangiti.

Pero hindi yung normal na ngiting ginagawa niya, yung ngiting malungkot ang nakikita ko sa mga labi niya.

"And for you to remember, wag mong sabihin saking MAY IBA na siya kasi at first, di ka naman naging sa kanya at lalong hindi naman siya naging sa iyo, so don't cry like you're cheated by him kasi hindi niya naman alam na may nag eexist na isang Lovelle Ponce na baliw na baliw sa kanya." Mahabang explanation niya. Napayuko ako.

Sandaling nablanko ang utak ko, may point siya. I don't know, pero medyo gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya even though na sasaktan ako.

Muli ko siyang tinignan at matamlay na nginitian siya. "Is this your way of comforting people? You're telling the truth and you don't even care if it will hurt them or not? But still, congrats ash gray, you did well." Nasabi ko na lang. Bumalik ang masigla niyang ngiti.

"That's good to know." Nakangiting sabi niya. Ngumiti ulit ako, but this time di na yung ngiting matamlay. Yung ngiting totoo na.

Actually, Im really happy to have him right now, kasi kahit papano may taong nag aksaya ng panahon para lang icomfort ako, even though may mas mahalaga pa siya gagawin—pero teka? May mas mahalaga nga ba?

Bumalik sa pag simangot ang mukha ko na siyang pinagtaka niya. "Hey Ash gray, wala ka bang ginagawa sa buhay at palagi ka na lang sumusulpot kung saan saan? Wala ka bang klase?" Takang tanong ko. Nag iwas tingin siya at nag kibit balikat.

"Well, actually you're right, wala akong ginagawa sa buhay kung kaya't kung saan saan mo na lang ako nakikita." Sabi niya, nangunot ang noo ko.

"Whut? Nasan ba mga magulang mo at pinababayaan ka lang? And just by looking at you sa tingin ko ay kaedaran lang kita, kaya kailangan mo pa ng pag aaruga galing sa kanila." Sabi ko. Biglang na lungkot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Parents?" Sabi niya at mapait na tumawa. "Sad to say but I don't have parents.." Malungkot na sabi niya.

Malungkot ko siyang tinignan, itong makulit na 'to, may tinatago rin palang hinanakit.

"Bakit?" Natanong ko na lang.

Tinitigan niya lang ako ng seryoso. "Because.. Im just a..."

Nagulat ako ng may malambot na bagay ang nahulog sa ulo ko, kinuha ko iyon at nakita ko ang green na dahon na mula sa puno sa taas.

Napatingin ako sa paligid ng magsimulang mag bagsakan ang mga dahon mula sa puno.

What is this? Di panaman taglagas ngayon ha? Napalingon ako sa kaninang kinakausap ko at gaya ng inaasahan ko, ng muli akong matingin sa gawing yun..

Wala na siya..

°^°

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now