IMAGINATION 23

50 9 0
                                    

• CHAPTER 23 •

Sabi nga nila ang saya may kapalit na kalungkutan kaya eto ako ngayon, naguguluhan na nakatingin kay mama na umiiyak at sa babaeng may magarang damit at mukhang foreigner.

[: FLASHBACK :]

Masaya ako ng maihatid ako ni Daze dito sa bahay, kaaalis niya lang rin. Nag lakad ako sa eskinita papunta sa bahay namin. Di ko na kasi ipinapasok si Daze dahil nahihiya ako.

Nagtaka ako dahil pagdating ko sa tapat ng bahay, may kulay violet na magarang kotse ang nakatigil sa tapat ng bahay namin.

Kunot noo ko lang yun tinignan, sino naman ang bibisita ngayon ng may magarang kotse? Napailing na lang ako. Siguro ay di naman samin yan bibisita.

Pumasok ako sa loob ng bahay at laking gulat ko ng makita ko ang senaryo sa loob, si Heartler ay naguguluhang nakatayo sa gitna ng isang babae at ni Mama.

Mukhang kagagaling lang din ni Heartler sa school dahil naka uniform pa ito. Pero mas lalo akong naguluhan ng makitang nakaluhod na umiiyak si mama. Ano 'to?

"Lovelle.." Bangit ni Mama sa pangalan ko ng mapansin ako. Bakit umiiyak si mama?

Mabilis na lumingon sakin ang isang babae na may pure blonde na buhok at blue na mga mata.

May suot din itong magagarang alahas, damit at bag, pero nagulat ako ng tawagin niya ako sa ibang pangalan.

"Aj..."

[: END OF FLASHBACK :]

"Ma?! Ano ba 'tong kalokohan na ito!?!" Sigaw ni Heartler sa tabi ko. Kanina pa kasi kaming tahimik dito. Walang ni isang nag salita samin.

"Anak... Huminahon ka.." Sabi ni mama kay Heartler. I've never see her this much caring..

"Ma?! Pano ko hihinahon? Pag uwi ko dito ay naabutan kitang umiiyak?! At saka sino ba yang babaeng yan?!" Sigaw niya sa babae sa harap namin.

Tumayo si mama. "Wag mong pag salitaan ng ganyan ang MOMMY mo!!" Parang tumugil kami sa paghinga ng kambal ko.

A-ano? M-mommy??

"A-ano yun?" Nanginginig na ang boses ko dahil sa di ko na maintindihan ang nanyayare. Anong mommy?

"Aj... Lj.." Sabi ng babaeng magara ang kasuotan.

"Anong ibig sabihin nito ma?" Umiiyak na tanong ko. Nalilito na ko! Ano ba 'to?!.

Umiiyak na umupo si mama at parang ramdam niyang walang pag asa. "Lovelle, Heartler... Di ako ang tunay niyong ina.. Di ko kayo mga anak.." Umiiyak na sabi ni mama.

Lalo akong naguluhan. Ano 'to?! "I-im your real mother... You're my twins..." Halos maiyak na sabi nitong babaeng may magarang kasuotan.

Napatayo ako. "Anong ikaw ang nanay namin?! Sino ka ba!? Di ka nga namin kilala?!" Sigaw ko sa kanya.

Nagulat ako ng may palad na dumapo sa pisnge ko. "Wag mong pag salitaan ng ganyan ang mama mo!" Sigaw ni Mama sakin.

Napakunot ang noo ko. Naguguluhan ako! Di na tumigil ang pag agos ng luha ko. "A-ano?" Umiiyak na sabi ko.

"Wag kang mag salita ng ganyan sa kanya! Siya parin ang ina"

"Pinagtatabuyan mo na ba kami Ma?" Umiiyak na sabi ko na siyang nakapagpatahimik sa kanya.

"Ito ba ang paraan mo para mawala kaming mabigat na pasanin sayo?!" Sigaw ko.

Lalong na iyak si mama. "Lovelle, Hindi sa ga—"

"Ma! Tama na! Kung gusto mo kaming umalis na! Wag mo ng gawin 'to! Kayang kaya kong umalis mag isa kung ayaw niya na! Di niya na kailangan pang ipamigay kami sa iba!" Sigaw ko at tumakbo palabas ng bahay. Tumakbo ako at di ko alam kung saan ako dinala ng paa ko.

Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ako.. Kailangan ko ng karamay..

Di ko alam na napadpad na pala ako sa park na dating pinag-iiyakan ko rin noon. Madilim na dahil alas-sais na ng gabi.

Naupo ako doon sa swing at tahimik na umiyak. Bakit kailangang manyare nito? Napatakip na lang ako sa mukha ko.

"Umiiyak ka nanaman.." Mabilis akong nag angat tingin ng marinig ko ang boses na iyon.

"Ash gray..."

T.T

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now