IMAGINATION 69

63 6 0
                                    

• CHAPTER 69 •

Isang buwan.. Isang buwan na ang lumipas at isang buwan na din akong umaasa na tutuparin niya ang pangako niya.

Pero naalala ko noong unang isang linggo isang mala aninong nilalang ang bumisita sa bahay namin at may pinaabot na sulat sakin.

Galing sa Diyos nang imahinasyon.

Lovelle Ponce,

Nais kong malaman mo na nasa mabuting kondisyon na si Ash Gray, nais ko rin na sabihin sayo na malabo mo na siyang makita pang muli.

Kahit pag pilitan mo pa'y di mo na siya makikita pa lalo na't delikado na siya at ikaw kung magkakasama pa kayo.

Tungkulin kong protektahan ang mga imahinasyon nang tao at tungkulin naman nang mga imahinasyon na protektahan ang creator nila, ngunit sa lagay ninyong dalawa maaari kayong mapahamak pa.

Kung nag tataka ka kung anong nangyare sa iyong imahinasyon yun ay dahil na sira niya ang mahalagang misyon na binigay sa kanya, yun ay ang protektahan ka, ilayo ka niya sa makakasakit sayo.

Sa lagay ninyo, siya pa ang dahilan kung bakit ka nasasaktan at ang emosyonal na sakit na nararamdaman mo ay lilipat sa kanya bilang pisikal na sakit.

Dahil ang puso niyo ay konektado sa isa't isa, may pink strings na kumokonekta sa puso niyo na kung masaktan ka nang emosyonal sakit sa pisikal ang dulot nun sa imahinasyon na nilikha mo.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now