IMAGINATION 22

50 9 0
                                    

• CHAPTER 22 •

Palinga-linga ako sa loob ng kwarto ko at nag babaka sakaling makita ko ulit siya. Isang linggo na rin siyang di nag papakita. Tototohanin niya talaga yun?

Kahit na naman ilang araw pa lang kaming nagkakita eh may utang na loob pa rin ako sa kanya. Siya kaya ang nag comfort sakin nung mga panahong iniyakan ko si Daze.

"Hoy Ate?! Ano wala kang balak pumasok?" Napatingin ako sa may pinto ng dumungaw doon si Heartler. Napabuntong hininga na lang ako at mabigat ang loob na nag lakad palabas ng kwarto.

Sabay kaming nag lakad ni Heartler papunta sa school pero di tulad ng dati na nag papaiwan ako sa tapat ng DABH ngayon ay nag dirediretsyo lang ako at sumabay kay Heartler.

"Oh, di ka yata nag paiwan ngayon. Wala ba yung sinisilayan mo?" Kung iba ang sitwasyon eh malamang ay magugulat ako pero iba ngayon eh, nag woworry ako. Tinignan ko lang siyang nakangisi.

"Alam ko namang may sinisilayan ka dun eh." Sabi niya. Inirapan ko lang siya at naunang maglakad.

***

Normal na nag daan ang araw ngayon. Walang masyadong gawa at nakakaboring talaga.

Siguro sa mga araw na lumipas noon ay nasanay lang ako na laging may makulit na mang aasar sa tabi ko.

Ouch—"Ah, Sorry miss, are you okay?" Nag angat ang tingin ko ng marinig ko ang boses na ito. Para itong pamilyar sakin.

Napapikit na lang ako dahil na sisinagan ng araw ang mata ko. Di ko maaninag ang mukha ng kaharap ko ngayon but just by judging on his uniform ay nag mula siya sa DABH. His wearing this Gray pants, and white long sleeves na kulay gray ang collar at laylayan.

"Here, let me help you.." Nilahad niya ang kamay niya at agad ko naman iyon tinanggap, pinagpag ko pa ang uniform ko ng makatayo ako.

"Im really sorry Miss, I was in a hurry" Sabi niya. "Okay la...." Natameme ako ng makita ang mukha niya. "L-lang..."

Ngumiti siya. O-MY-GASH! Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Pano ba naman! Kaharap ko lang naman ang nag iisang DAZE PASCUA!

Natulala ako, takte!? Seryoso ba 'to?! Di ba 'to imagination?? Di ba 'to panaginip?! Pero, nabangga niya ko at natumba ko, at talaga nga namang masakit yun.

Nangunot ang noo niyang tinignan ako. "Are you really okay, Miss?" Takang sabi nito. "Are you hurt? Tell me where?" Tanong nito. Hinawakan niya pa ang braso ko.

"A-ah, h-hindi.. I-im fine.." Utal utal na sabi ko. Lalong na ngunot ang noo niya.

"Are you really okay? Namumula ang mukha mo.. Should I take you to the hospital. Come on. Come with me." Sabi niya at hinatak ako pero pinigil ko siya.

"N-no, Im f-fine.. A-and ah, you s-said you're in a h-hurry, so I think you should g-go.. D-dont worry a-about me.." Utal na sabi ko.

"No don't mind that, after all it's my fault so I should make sure that you're fine." Sabi niya.

Nag alangan pa ko. Kinakabahan kasi ako eh. Gusshhh! "Di ba emergency yun? Baka kailangan mo na talaga umalis"

"No, it's fine.. I just left my I.D but I can get it later, I should take you to the hospital first." Sabi niya.

"Pero.."

"No buts, just come with me.." Sabi niya at hinatak na ko papunta sa parking lot. Sinakay niya ko sa kotse niya at wow, I've never imagine na makakasakay ako sa kotseng mamahalin.

Dinala niya ko sa ospital gaya ng sabi niya at siya pa ang nag bayad ng lahat ng bills, ugh, kahiya.

"Im glad you're fine... I'm really worried about you.." Sabi niya, di ako nag salita dahil baka masabi ko ang nararamdaman ko sa kanya.

Kyaaa! Ang caring niya! Swak sa imagination koooo! "It's my fault so I waa really worried.." Nasad naman ang heart ko.

Oo nga, bakit ba siya mag aalala sakin, ni di niya nga ko kilala, he's just worried because it's his fault.

Hinatid niya ko sa bahay at talagang nahiya ako dahil ibinaba niya ko sa isang squatter area.

Pinagtitinginan kami ng bumaba ako sa kotse at syempre itong malalandi babae dito ay nakatingin dito kay Daze. Tss, akin lang siya girls okay!!

"Ah, by the way.. Im Daze Aaron Pascua, and you are?"

Medyo matagal bago ako sumagot. "L-Lovelle Ponce..."

^o^

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now