IMAGINATION 04

102 10 0
                                    

• CHAPTER 04 •

Nakatitig lang ako dito sa goddess face with a ash gray na ito, He has this angelic and innocent face, na pang mukhang mayaman pero anong ginagawa niya dito sa loob ng kwarto ko at mukhang may pag tatangka pang mag nakaw?

"S-sino ka?" Tanong ko ng rumehistro sa utak ko ang nanyayare, mamaya eh makatakas pa eh.

Ngayon, siya pa itong mas nagulat, well, nakakagulat naman siguro kung mahuli kang nag nanakaw right?

Napaturo pa siya sa sarili niya na parang di makapaniwala. Lumingon pa siya sa likod, kaliwa't kanan niya.

Gwapo sana eh, engot lang. Yes I admit, gwapo siya really, mas gwapo pa sa Daze bebe ko! Pero—

"N-nakikita m-mo ko?" Utal na tanong niya. Nangunot ang noo ko sa tanong niya.

"Malamang, may mata ko! Ano akala mo sakin bulag?!" Pag susungit ko sa gwapong mag nanakaw na ito.

"T-talaga?" Parang di makapaniwalang tanong niya. Siraulo ba 'to? Unti unti siyang lumapit sakin na ikina atras ko.

"H-hoy! A-anong balak mo?! Wag kang lalapit! Sisigaw ako!" Banta ko sa kanya. Paatras ako ng paatras hanggang sa matumba ko sa kama ko.

Whut! Napa atras na lang ako sa kama ko hanggang sa umabot ako sa boarder nito.

"H-hoy! Lumayo ka! Anong gagawin mo sakin?! R-rarapin mo ko?!" Kinakabahang tanong ko ng sumampa siya sa kama ko.

Di na ko makapagpigil dahil natatakot na ko kaya agad akong sumigaw. "RAPEEE! MAMA HELP! RAPE—" Nahinto ang pagsigaw ko ng takpan niya ang bunganga ko.

"What the hck are you saying? Im not gonna rape you, wala kong balak manrape ng panget!" Mainsultong sigaw niya sakin.

Aba?! Walang hiya 'tong ggong to ha?! Kinagat ko ang kamay niya na naging dahilan ng pag tanggal niya sa bibig ko.

At hayun siya napalayo sakin at bumaba ng kama. So this is my chance para sumigaw ulit.

"MAMA HELP ME RAPIST!" Sigaw ko.

"Stop yelling! That won't help you, really!" Saway sakin nitong gwapong may ash gray na buhok.

Di ko siya pinansin at sumigaw na lang muli. "MAMA HELP ME! RAPE RAPE—"

"Do you think they will believe you na may mang rarape sayo if you have that kind of face?" Pang aasar sakin ng walang hiyang 'to!

Sinamaan ko siya ng tingin. "Di ka ba natatakot na mahuli ka nila ha?!" Sigaw ko.

Ngumiti lang ng nakakaloko ang ggo at nag kibit balikat. Aba ang tapang ng loko! Just wait and see...

"MAG NANAKAW! HELP HELP!" Sigaw ko ng pagkalakas lakas na halos pumikit pa ko dahil sa full force na nga ang sigaw ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya dumilat na ko. Nakita ko sina Mama at baboy sa may pinto.

"ANO NANAMAN BA YANG PINAG SISIGAW MO SA GANING ORAS LOVELLE?!" Sigaw sakin ni Mama at aba galit pa!

"Ma! May mag nanakaw dito!" Sigaw ko. Sabay silang nag libot tingin dito sa kwarto ko.

"AT NASAAN?!" Galit na sigaw nito.

"Ayun oh!" Tinuro kung nasaan yung gwapong may ash gray na buhok ng di man lang tumitingin doon.

"HAY NAKO! GGA KA! WAG MO PAIRALIN YANG IMAGENEYSON MO SA GANITONG ORAS NG GABE!" Sigaw ni Mama at padabog na sinara ang pinto, at ano?! Imagination??

Napatingin ako kung saan kanina nakatayo yung gwapong may ash gray na buhok at nangunot ang noo ko ng walang sino man akong nakita doon.

What thu hck?

O_O!!!!

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now