IMAGINATION 08

79 9 0
                                    

• CHAPTER 08 •

Busy ako sa pag sipa ng bato habang nag lalakad pauwi. Hawak nitong si imaginary Daze ang kamay ko, siya lang ang kasabay ko ngayon.

Hayun kasing magaling kong kapatid eh iniwan ako, ang galing niya no? Ambait na kapatid, sobra!

Napalakas ang sipa ko sa bato dahil sa inis. "ARAY!" Napatingin ako sa harap ko ng makarinig ako ng daing, nanlake ang mata ko dahil nakatama pala ako.

Lumapit ako doon sa lalake pero ng iangat niya ang tingin niya sakin ay agad akong napaatras.

"Seriously? Kabute ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya. Nagbago ang ekspresyon niyang nasasaktan at nag pout.

"Ikaw na nga itong nakasakit eh." Reklamo niya. Tss. Napatingin siya sa likod ko at napatingin din ako doon. Teka? Tinitignan niya ba si Daze?

"Hi Daze!" Bati niya and with that, bigla na lang nag laho na parang bula si Imaginary Daze. Seriously?!

Gulat at pagkamangha ang ekspresyon na ipinakita ko sa kanya na siyang ikinatawa niya.

"Seriously? Who are you?" Tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa at ngumiti na lamang.

"Wow, umaasenso! Umienglish." Kunyareng pagpuri niya sakin at naglakad papunta sakin pero mukhang balak niya pa yatang takasan ako.

Bago pa siya makatakas ay hinawakan ko agad ang balikat niya ng magkadikit kami.

Hinatak ko siya pa balik sa harap ko. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko. Seriously? Ano bang kagulat-gulat sa ginawa ko?

"How could you—"

"Hoy mister, balak mo nanaman bang takasan ako? Alam mo bang andami ko pang gustong itanong sayo?" Sabi ko at napansin ko ang mga taong nakatingin samin. Aish! Mga chismosa!

Hinatak ko na lang siya papunta doon sa lumang park na di na pinupuntahan ng mga tao.

Iniupo ko siya doon sa dulo ng slide at hanggang ngayon yung mukha niya, parang gulat na gulat parin. Anong problema nito?

Umiling ako para di pansinin ang pag katulala niya. "Hoy ikaw, alam mo bang nahihiwagaan"

"How could you do that?" Seryosong tanong niya sakin na ipinagtaka ko.

"Ang alin?" Takang tanong ko.

"Yung ano, yung pag hawak mo sakin kanina, pano mo nagawa"

"Seriously Ash gray? Kailangan pa ba itanong iyon? Di pa ba obvious na ginamit ko ang kamay ko panghatak sayo?" Asar na sabi ko. Baliw ba 'tong isang 'to?

Nailing siya. "No, how can you touch or see me even though I already use my..." Napailing siya. "Ugh, never mind!" Sabi niya saka tumayo. Aba aba! Tatakasan pa ko.

Tinulak ko siya pa upo sa slide at himalang di man lang siya na saktan. Tinignan niya lang ako.

"Alam mo bang napaka weird mo? Ikaw na yatang pinakaweird na nakilala ko at alam mo bang marami pa kong tanong"

Napalingon ako sa likod ko ng makarinig ako ng ingay ng mga bata.. Teka? What the? Ano 'to? Nag tatakbuhan ang mga bata papunta dito at mukhang galing sila sa day care na malapit dito. Panong?

Napalingon ako sa harap ko at halos mapasigaw ako sa inis ng hindi ko na siya makita sa harap ko.

Gosh! He's good at escaping!

>.<

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now