IMAGINATION 02

139 10 0
                                    

• CHAPTER 02 •

"Love, tikman mo 'to oh, masarap." Sabi ni Daze bebe. Tinignan ko lang siyang tinusok ng tinidor yung hotdog sa lamesa.

Nilapit niya sakin yung hotdog saka ko ngumanga, pero imbis na hotdog ang pumasok sa bunganga ko, itong magaling na langaw ang nanguna.

Naubo pa ko nang kumapit ito sa lalamunan ko. Bwisit na langaw! Sinira ang imagination ko!

"Aba, angga mo kasing babaita ka. Bakit ka ba nakakanga diyan?!" Sigaw ni Mama sakin habang tinatapik ang likod ko.

"Eh kasi nga ma, sinusubuan daw siya ng IMAGINARY BOYFRIEND niya." Si baboy na ang sumagot. Tinignan ko lang siya ng masama ng mahimasmasan ako.

"Ang gga mo talagang babae ka, mag hanap ka ng tunay, di yung iimagen imagen ka ng buypren mukha kang gga!" Pagsesermon sakin ni Mama.

Napatingin ako kay Mama. "Ehhh Mama naman eh, sino ba kasing mag kakagusto sa mukhang 'to?!" Tanong ko habang nakaturo sa mukha ko. "Ma, tignan mo nga, anchaka chaka!" Sabi ko.

Tinignan ko na lang yung pagkain ko. "O e sabi ko nga wag kana mag buypren." Sabi ni Mama na pag tingin sa tabi ko eh wala na.

Grabe ha? Nanay ko na yun ha? Ugh! Binalik ko na lang ang tingin ko kay baboy na ngayon ay subo lang ng subo.

Napatingin siya sakin ng mapansin niyang tinitignan ko siya.

"Oh bakit?" Walang galang na tanong niya. Itong walang hiyang 'to. Tss.

"Kain ka ng kain kaya ka tumataba e." Asar ko sa kanya. Wala lang niya kong tinignan.

"Ang panget panget mo kaya wala kang boyfriend e." Asar niya pabalik na siyang ikinainis ko.

Balak ko na sanang sabunutan 'to, not-so-good-looking na baboy na ito ng dumating si Mama.

"Lovelle! Heartler! Away ng away nasa pagkain! Kaya lumalayo ang grasya sakin eh!" Sigaw ni Nanay.

Dabog akong umupo at tinignan na lamang masama si baboy. "Pag ako nag ka boypren! Who u ka!" Inis na sigaw ko at tinapos na lang ang pagkain.

-.-

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now