• CHAPTER 09 •
Tamad na tamad akong nag lalakad pauwi ng bahay dahil sa nabubwisit ako at nakatakas pa ang isang iyon.
Sa totoo lang, sobrang weirdo niya! Nahihiwagaan na ko sa kanya! Palagi na lang naaantala ang mga tanong ko tsaka pano niya ba ko natatagpuan? Aish.
"Oh, mabuti naman at umuwi ka pa." Salubong sakin ng magaling kong kapatid.
Inirapan ko lang siya at nag dirediretsyo na lang papasok sa kwarto ko. Binagsak ko ang sarili ko sa kama dahil sa pagod na nararamdaman ko.
Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko, at dumagdag pa yung tanong na pano niya nalaman ang pangalan ni Daze???? At impossible ring di niya alam ang pangalan ko.
Aish! Pagod na pagod na talaga ko, bakit ba ko ginugulo ng ash gray na yun? Umayos na lang ako ng higa at natulog na lang kahit ala una pa lang ng hapon.
******
*kruuu*
Nagising ako ng tumunog ang gutom kong sikmura, bumangon ako at di parin pala ako nakakapagbihis.
Tumayo ako upang mag palit ng damit, napatingin ako sa wall clock.
3:21 am
Grabe ha? Alas tres na ng umaga? Napahaba pa ang tulog ko. Tsaka di man lang nila ko ginising? Tss.
Lumabas na lang ako ng kwarto matapos kong mag bihis. Nagugutom na talaga ko eh.
Naabutan ko doon si Imaginary Daze na nagluluto. Di ako nagulat syempre gawa siya ng imahinasyon ko eh.
Pero syempre kunyare nagulat ako. "Oh love? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya.
Nilingon niya ko at saka binigyan ako ng matamis na ngiti. "Ah, gising kana pala. Mabuti naman. Halika dito, tikman mo yung luto ko." Sabi niya.
Masaya naman akong lumapit sa kanya, kunyare kong inamoy amoy ang adobong niluluto niya.
"Wow love, ang bango naman niyan." Puri ko. Ngumiti lang siya sakin. Pinanood ko lang siya magluto hanggang sa matapos siya.
Kumuha siya ng tinidor at saka tumusok ng manok. "Here. Try it." Sabi niya at balak na isubo sakin ang manok na nasa tinidor niya.
Ngumanga ako at sinubo ang kunyareng manok niya, napapikit pa ko at nginaya ngiya, mmm.. Lasa siyang—
Saging??
Mabilis kong minulat ang mata ko at muntik na kong mahimatay ng masalubong ng mata ko ang ash gray na ito. Napanganga pa ko ng makita ko siya.
"Sorry, di ko afford ang adobo." Simpleng sabi niya at nginitian ako. Okay, nagulat parin ako na nandito siya sa harap ko.
Kasi naman, pano siya nakapasok dito? Tss. Pero di ko na siya tatanungin pa kasi mamaya bigla nanaman 'tong mag laho eh.
"Oh, nginangahan mo nanaman kagwapuhan ko." Maloko siyang ngumiti at isinaksak sa bunganga ko ang saging na hawak niya.
Masama ko siyang tinignan saka kinain ang saging na sinaksak niya sa bunganga ko.
Naglakad siya papunta sa lamesa namin kaya sumunod ako. "San galing 'to?" Tanong ko habang kumakain. Umupo ako sa upuan sa lamesa at ganun din siya.
"Basta, kumain ka lang ng kumain." Sabi niya at binigyan pa ko ng isang saging. Tinaggap ko naman iyon.
Actually nag tataka ako sa sarili ko at sa kanya dahil komportableng komportable kaming nandito siya sa bahay samantalang nung una ko siyang nakita dito eh halos ipagsigawan ko na rapist ang isang 'to.
Sandali nga? Wala pang sagot ang katanungan kong iyon ha?! Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang nakikikain na rin ng saging.
"Nga pala—"
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng kapatid kong baboy ng bumukas iyon, niluwa nun ang baboy kong kapatid na nag kukusot pa ng mata.
Nanlake ang mata ko at nilingon si Ash gray sa tabi ko para sana itago pero pag lingon ko doon ay wala na siya.
Seriously?
O_O.
YOU ARE READING
Imaginary Boyfriend: Lovelle Ponce
FantasyLovelle Ponce (14) Original Date: • September 16 2018 • October 23 2018