IMAGINATION 35

48 7 0
                                    

• CHAPTER 35 •

"Why did you lie?" Agad na tanong niya. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit doon sa bahay.

Matapos yung ginawa nung isang yun, hayun! Iniwan na ni Daze ang kotse niya.

[: FLASHBACK :]

Pareho kaming nakaupo ni Daze sa simento at nakatingin sa driver's seat kung nasan si Ash, pero mukhang ako lang ang nakakakita sa kanya.

"What the hell is that?!" Agad na sigaw ni Daze ng tumigil si Ash sa pag busina, ow! I've never imagine him being this angry.

Tumayo siya at sinubukang lumapit sa kotse niya, napatingin ako kay Ash na ngayon ay seryoso lang na tinitignan ang papalapit na si Daze, pero dahil nga loko-loko ang isang ito, muli niyang pinindot ng sunod sunod ang busina na naging dahilan ng pag layo ni Daze.

Muling huminto sa pagbusina si Ash at umupo na sa kabilang upuan. Napatayo ako, anong balak nito? Lumabas siya ng kotse.

Hinawakan niya yung handle ng pintuan at tumingin kay Daze na nag tatangka muling lumapit, pero di pa man nakakalapit, itong siraulong 'to pinagtripan ang pintuan ng kotse at binukas-sara-bukas-sara ito.

Agad akong hinawakan sa wrist ni Daze. "Let's go.. It's getting creepier!" Sabi niya at hinatak ako palayo, muli akong tumingin sa likod, at hayun ang mokong! Halos lumuhod na sa kakatawa.

Mamaya 'to sakin!

[: END OF FLASHBACK :]

"Hey? Spacing out? Im asking you.." Bigla kong napatingin sa kanya na ngayon ay umiinom ng kape.

"A-ah.. Ano ulit yun?" Pagpapaulit ko sa kanya. Bumuntong hininga siya.

"Bakit ka nag sinungaling sa pangalan mo? You introduce yourself as Lovelle Ponce to me, but you introduce yourself as Angela Argebaht to everyone.." Sabi niya.

Oo nga pala.. Muntik ko nang makalimutan ang bagay na yun.. "Bakit ka nag sinungaling? Mukha ba kong masamang tao?" Nakakunot noong tanong niya.

"A-ah.. H-hindi! Hindi ganun yun.. Lately ko lang nalaman na Angela ang pangalan ko.." Sabi ko. Agad naman siyang nag taka.

"What do you mean?" Tanong niya. Agad ko namang inexplain sa kanya ang lahat.

"Woa.. Sa movies or books lang 'to nanyayare but now... Im hearing a real story from you." Reaksyon niya matapos kong ikwento ang buhay ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

****

"So, anong gusto mong itawag ko sayo? Lovelle, Angela, Janax?" Tanong ni Daze, nag lalakad kami ngayon pabalik sa may eskinita papunta samin.

Kunyare akong nag isip. "Uhm.." Maarteng sabi ko. "Lovelle? Mas sanay kasi ako doon ey.." Maarteng sabi ko.

"Uhm? Lovelle? Mes seney kese eke doon ey.. Tss.. Pabebe." Napatingin ako sa tabi ko.

Nako! Mamaya talaga sakin 'tong isang 'to! Babatukan ko 'to at ihahagis sa pasig river! Letse!

"Okay Love.." Natuon muli ang pansin ko kay Daze.. What again? Love? Mukha namang napansin niya ang reaksyon ko.

Napakamot siya sa batok niya. "Ah, Shortcut?" Nahihiya siyang ngumiti. Kaya natawa ako, natawa na lang rin siya.

"So, dito na lang? See you, tomorrow.." Paalam niya nang makarating kami sa eskinita.

Ngumiti ako, nag lakad na siya papunta sa kotse niya, at chineck niya muna kung may something ba doon, napatingin ako sa katabi ko na natawang pinapanood si Daze.

Napairap ako, muli kong tinignan si Daze na nakasakay na sa kotse niya, bumusina muna siya, bago tuluyang umalis.

Agad dumapo ang masamang tingin ko sa siraulong katabi ko na ngayon ay pilit na nakangiti.

"B-Bakit?" Aba! Anlakas ng loob nito mag tanong ha!

"Bwiset ka!" Sigaw ko at pinag hahapas siya, sinasalag niya iyon at paatras siya ng paatras hanggang sa makorner ko siya sa pader.

Huli ka! Sunod sunod at mabilis ko siyang sinuntok hanggang sa mahuli niya ang dalawang kamay ko.

Galit akong tumingin sa kanya, habang siya seryoso lang na nakatingin sakin. Yung mga kulay abo niyang mata..

Bigla niyang hinatak ang dalawang kamay ko papalapit sa kanya.

*ludub*ludub*ludub*

Uminit ang mukha ko ng maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso naming dalawa.

Ramdam ko yung puso niya dahil magkadikit na ang katawan namin.

Napatingin ako sa labi niyang manipis at mapula...

My heart....

:").

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now