IMAGINATION 54

43 5 0
                                    

• CHAPTER 54 •

Tahimik akong naghihintay dito sa loob nang kwarto ko, bakit wala pa siya? Alas-dyes na nang gabi pero wala pa siya.

Naghintay pa ko nang ilang minuto pero wala parin siya. Nahikab ako. Nahiga muna ako at baka mamaya ay nandito na siya.

1 week later...

Malungkot ko nanamang iniwan ang kwarto ko. Isang linggo, isang linggo na siyang di nag paparamdam.

Hanggang ngayon ay di parin ako sanay na wala ang presensya niya. "Ms. Aj, nandito na po tayo." Sabi ni Manong, ako lang mag isa ang nandito dahil this days lagi nang magkasama sina Heart at Sarah.

Di ko din malaman-laman kung bakit nag sasama ang taong iyon kay Sarah lalo na't alam kong may gusto siya kay Gritch.

He also acts weird kapag tinatanong ko kung anong meron sa kanilang dalawa ni Sarah.

So going back, lumabas na ko nang kotse at dumiretsyo papasok sa school. Nag palinga linga din ako at umaasa na makikita ko siya dito, pero sa huli.. Wala rin.

Ganyan ako sa bawat araw na lumipas, pero di ko parin talaga siya nakikita mag mula noong nakita ko siya dito sa school, na may malungkot na mata.

"Love?" Napatingin ako sa likod ko at bumungad sakin si Daze na mala superman ang buhok.

This days nag kakamabutihan na din kami ni Daze. "Good Morning." Bati ko at pinilit na maging masigla.

Ngumiti siya. "Good Morning din." Balik bati niya. Sumabay siya sakin mag lakad.

Tahimik lang kami hanggang sa umakyat kami. "Umh, are you free this afternoon?" Tanong ko.

Napatingin ako sa kanya, napakamot siya sa batok niya. "Uh, I just wanted to ask you.. If it's okay for us to go out?" Parang nahihiyang sabi niya.

Napahinto ako.. Wait. Did he just ask me for a date? Go out? Kaming dalawa lang? "A-ah, s-sige, sasama ko sina Gritch at Ate Ayu"

"No, I mean just the two of us." Biglang sabi niya. Seriously? Di ko naman alam kung anong isasagot ko.

"A-ah, if you don't want to, it's okay—"

"A-ah, hindi! Okay lang. Okay lang!" Nasabi ko na lang. Lumaki ang ngiti niya nang sabihin ko iyon, natuwa naman ako sa reaksyon niya.

"Really? Thank you! Thank you!" Sabi niya at halos kargahin na nga ako nito, lumakad na lang kami at baka malate pa kami.

*****

"Let's go?" Yaya ni Daze. Ngumiti ako sa kanya at tumango, sabay kaming nag lakad at kahit na pinag titinginan kami ay wala na kong pakielam.

"Siya ba yung pinagpalit kay Queen?"

"Oo, siguro.. Pero may hawig sila 'no?"

"Yea right."

This days, tuwing nag kakasama kami ni  Daze lagi kong naririnig ang Queen na yun. Na curious tuloy ako kung sino ba siya.

"Daze!" Sabay kaming napalingon sa gawing kaliwa nang may tumawag sa kanya, kita kong tumatakbo ang tatlo niyang kaibigan palapit samin.

"Oh—Uy, Miss Angela, how are you?" Sabi nung lalaking moreno. Pilit akong ngumiti dahil di ko naman kilala ang mga ito.

Nakikita ko lang silang kasama ni Daze tuwing lumalabas siya noon. "Hi Miss Angela!" Bati pa nung isa sa likod nito, habang ang isa ay simple lang ngumiti at tumango sakin.

"Ah, Love.. I want you to meet my friends." Panimula niya. "Ah, this is Ejhay Monterde." Sabi niya sabay turo doon sa lalaking moreno.

"Andrew Tinqila." Turo niya doon sa mukhang suplado at tahimik. "And last, Liro Andrinal." Sabay turo doon sa lalaking mukhang masiyahin.

Ngintian ko silang lahat. "Um, nga pala. What brought you here?" Tanong niya doon sa Ejhay.

Meron namang binulong yung Ejhay kay Daze na nag cause nag pakunot noo niya. Nagusap sila—mali nag bulungan kasi, di ko talaga marinig ang mga sinasabi nila.

"Okay, I got it." Yun lang ang narinig kong sinabi ni Daze. Umalis na ang tatlo at masigla pa kong kinawayan.

Napatingin ako kay Daze, mukhang malalim ang iniisip niya, pero nang mapansin niya ko ay agad siyang ngumiti.

"Tara?" Yaya niya muli. Tumango lang ako at umalis nang muli. Lumabas na kami nang school at nag diretsyo sa parking lot.

Ginamit namin ang kotse niya, ang kotse na kauna unahan kong nasakyan. Pinaandar niya agad iyon nang makasakay kami.

Nung una ay okay okay pa ang biyahe namin pero bigla niyang na notice na may mali sa kotse niya.

Kahit ako ay ramdam ko iyon. Lumabas siya at mukhang sinilip ang gulong nang kotse ito at mukha naman siyang nabwiset at sinipa ang gulong nito.

Mabilis akong lumabas at umikot papunta sa kanya. "Bakit?" Tanong ko.

"Nabutas yung gulong ko." Mukhang problemadong sabi niya. Ilang minuto rin kaming nakatayo doon at nag isip nang gagawin hanggang sa ayain niya kaming mag sakay na lang, pero ilang minuto na siguro kaming nag aabang dito pero wala paring nag sasakay samin.

Napagdesisyonan na lang namin mag lakad, siguro naman ngayon ay di na kami mamalasin pa.

Pero... Ilang hakbang pa lang yata ang nagagawa namin ay naramdaman na namin ang malalaking patak nang ulan.

Napatingala ako sa kaninang maaraw na kalangitan na ngayon ay madilim na at nag babadyang bumagsak ang malakas na ulan.

Unti unti nang pumatak ang ulan. Hinatak ako ni Daze sa silungan, isang mercury drug na sarado.

Pinagmasdan ko ang malakas na buhos nang ulan, minalas ba kami o may gumagawa nang mga bagay na ito.

Yung gulong nang sasakyan ni Daze, apat na gulong butas which is nakapag tataka.

Wala rin nag sasakay samin kahit na napakaraming taxi, jeep o tricycle man lang na dumadaan dito which is impossible.

At lastly, bakit uulan sa kalagitnaan nang kainitan, wala rin nabalita na uulan ngayon kaya't di ako nag dala nang payong!

Napaisip ako, isa lang ang alam kong may gawa nito, lahat tugma. Nagbato ako nang matatalim na tingin sa kawalan.

Bwiset kang Ash Gray ka! Mag pakita ka!

!!!!!!

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now