IMAGINATION 70: Last Chapter

82 6 0
                                    

• CHAPTER 70 •

1 year later...

"Love, tara na." Yaya ni Daze sakin at hinila ako papalapit sa kotse, pero nag papigil ako.

"Sandali lang. Di ko pa feel umuwi eh." Sabi ko. Kunot noong tumingin sakin si Daze.

"Bakit?" Tanong niya.

"Ewan, sige na mauna ka na." Sabi ko, mukha namang nag dadalawang isip pa siya kaya tinulak ko siya papasok nang kotse.

Wala siyang nagawa kundi umalis na lang, kumaway ako sa kanya. Di ko maintindihan ang taong yun, di naman kami pero ganun siya.

Nang makaalis na siya nag libot ako hanggang sa mapadpad ako sa di pamilyar na lugar dito sa school.

Garden? Tahimik at maganda sa lugar na ito. Nilibot ko ang tingin ko dito, bakit kaya walang pumupunta sa magandang lugar na katulad nito.

Umupo ako sa bench at pinag masdan ang paligid, bakit pakiramdam ko ay di na bago sakin ang lugar na ito?

Napahawak ako sa peklat sa noo ko, iniwan sakin nang kapahamakang sinapit ko.

Nawalan ako nang alaala, 1 year ago.. 3 months bago ko naalala ang lahat, alam kong naalala ko na ang lahat, pero bakit pakiramdam ko may kulang sa mga alaala ko? Bakit pakiramdam kong may kung sinong o anong sinisigaw ang puso ko.

Biglang kumirot ang puso ko. May namimiss ako. Tumayo ako at nag lakad papunta doon sa puno, uupo sana ako doon nang may mapansin akong nakaukit dito.

Mahal na mahal kita Lovelle, kahit na makalimutan mo ko, wag lang ang pag mamahal ko sayo.

-Ash Gray

Nag taka ako dahil di ko na malayang kusa nang tumutulo ang mga luha ko, bakit nalulungkot ako? Ni di ko nga kilala kung sino siya?

Nagulat ako nang may dumapong kulay abo na paro paro sa nakaukit na iyon. Namangha ako dahil ngayon lang ako nakakita nang ganyang kulay na paro paro.

Lumipad ito at namalayan ko na lang ang sarili kong sinusundan ito. Kahit malayo na ang nalakad ko at di ko alam kung saan na ko napadpad, pumasok ito sa isang bahay. Bahay na pamilyar sakin, ang bahay namin noon, noong di pa ako isang Argebaht.

Pumasok ako doon at sinundan ang paro paraong papunta sa basurahan, saglit akong huminto sa pag tataka.

Dumapo siya sa isang papel at di gumalaw, dahan dahan akong lumapit hanggang sa makarating ako sa tapat nun.

Tinignan ko ang papel na dinadapuan nito. Kinuha ko iyon. Uminit ang gilid nang mata ko at ang puso ko'y kakaiba ang tibok.

Drawing... Drawing ko nang isang lalakeng nakangiti at may Ash Gray na mata at buhok.

My Imaginary husband!
Ash Gray

Unti unti nang tumulo ang luha ko, kahit di ko maalala, alam kong itong lalaking ito ay ang taong hinahanap hanap nang nangungulila kong puso...

THE END

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now