IMAGINATION 46

51 5 0
                                    

• CHAPTER 46 •

Sabay sabay silang napatingin lahat sa gawi namin. Lahat sila gulat na gulat sa pangyayare.

Dahan dahan akong lumingon kay Daze upang masiguro na ako ba talaga ang tinawag nito at hayun, nakangiti siya at nakatingin sakin.

"A-ah, hehe. Good morning din." Nahihiyang bati ko, at nag simula na silang mag bulungan.

"Hala, may LQ ba sila ni Queen?"

"Wala na sila ni Queen?"

"Hala, bakit ganun?"

"Omygad! Sila na?! May bagong Queen na?"

"Sa bagay, minsan na lang kasi kung pumasok si Queen, mag mula nga nung dumating si Angela di na pumasok, siguro ay nag sawa na."

Naguluhan naman ako sa bulungan ng mga kaklase namin, Queen? Sino si Queen?

"Don't mind them." Bulong ni Daze sa tenga ko, para namang nakiliti ako sa ginawa niya kaya, okay sige, di ko sila pakikinggan.

Kwinentuhan lang ako ni Daze tungkol sa nanyareng camp ng student council, kaya pala sila wala ng isang linggo.

Di ko narin pinansin ang mga matang nakatutok samin, basta ang mahalaga ngayon ay nakakausap ko siya.

Mayamaya pa ay dumating na si Mam Ynzejo, medyo kinakabahan pa nga ako dahil sa ginawa ko pero tulad ng iba. Para din siyang walang alam sa nanyare.

Whut the?! Pano nanyare yun?! Muli kong nilingon ang gawi ni Athena pero di siya nakatingin sakin.

Ugh! Bahala na at kausapin siya mamaya! Nakinig na lang ako kay Mam at naghintay na matapos ang araw.

****

Friday ngayon, kaya half day lang kami, uwian na namin alas dose ng tanghali, nakipagunahan din akong lumabas at iniwan si Heart doon, at nauna na rin naman si Daze eh.

"Athena!" Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang huminto at nilingon ako. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya at nang makarating ako sa harap niya, di pa man ako nag sasalita, inunahan na niya.

"I won't tell anything so, you can leave." Agad na sabi niya at tatalikuran na sana ko pero pinigil ko siya.

"Pero gusto ko lang"

"They forgot all about it, and starting today everything will be alright kaya wala nang rason para magkita pa tayo." Putol niya sa sinabi ko.

"Paano"

"Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, kaya mauna na ko." Putol ulit nito sa sinabi ko at nauna nang umalis.

Napapadyak naman ako, nakakainis naman! Nag martsa na lang ako palabas nang school at pumunta sa parking lot.

Sumakay agad ako sa kotse ng makita ko iyong nakaparada. Hay, naguguluhan ako sa nanyare ngayong araw, but Im thankful kasi natapos narin..

*****

"Ms. Aj, gising na po, nandito na po tayo." Napamulat ang mata ko ng maramdaman ko ang marahang pagyugyog sakin.

Agad akong napabangon ng makitang nasa bahay na kami, nag dirediretsyo lang ako sa kwarto dahil sobrang inaantok ako ngayong araw.

Pero parang naglaho ang antok ko nang makita kung sino ang natutulog sa kama ko.

Lumapit ako para makasigurado. "Ash?" Tawag ko dito. Anong ginagawa niya dito? Isang linggo siya di nagpakita tapos makikita ko siya natutulog dito sa kama ko?

Alam ko naman kung bakit di agad siya nag pakita eh, siguro ay nakokonsensya.  Umupo ako sa tabi niya.

"Ash." Gising ko dito at niyugyog-yugyog. Dahan dahan naman siyang nagmulat at nang makita ako ay agad siyang napabangon.

"L-lovelle, nandito kana pala... Sorry nakitulog ako, sobrang napagod kasi ako eh." Sabi niya.

Tinignan ko lang siya nang seryoso. Bakas pa ang pagod sa mukha niya.

"G-galit ka pa ba? S-sorry"

"Ikaw ba may gawa nun?" Natanong ko na lang, saglit siyang natigilan, mayamaya ay nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

"What's the sense kung itatago ko pa sayo kung alam mo nanaman.. So okay, Oo, ako nga." Sagot niya.

"Then pano nalaman ni Athena.."

Tanong ko na ikinatigil niya.

-.-

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now