IMAGINATION 38

52 7 0
                                    

• CHAPTER 38 •

Kita ko sa kalayuan si Ash na nakatayo, at kahit malayo at madilim, kita ko parin ang galit sa kulay abo niyang mata.

"SAN GALING YON! ANO YON?! INEENGKANTO NA BA TAYO?!" Sigaw ni jambo. Nakalimutan ko, ako lang daw pala ang nakakakita sa kanya.

Sabay sabay silang napatingin sakin. "ANAK KA BA NG ENGKANTO?!?" Sigaw ni Jambo, natigilan kami ng isang malaking container nanaman ng tubig ang lumipad kay jambo pero di sapat iyon para matumba siya.

Sabay sabay ulit kaming napalingon sa gawi ni Ash na ako lang pala ang nakakakita.

Sunod sunod siyang nag bato ng maliliit na bote ng soft drinks na may laman, wala naman silang ibang nagawang tatlo kundi umiwas ng umiwas.

Namangha pa ako dahil siya mismo ang gumagawa ng mga boteng iyon. "SINO KA?! TIGILAN MO KAMING ENGKANTO KA?!" Sigaw ni Jambo.

Bigla namang na alimpungatan ang dalawang napatumba ni Ash. Napatingin sa akin jambo at agad akong nilapitan saka ko hinawakan sa wirst. Agad napatigil sa pag bato si Ash.

"ETO BA KAILANGAN MO! SASAKTAN KO SIYA PAG DI KA TUMIGIL!" Sigaw nung jambo. "ANO?! SINO KANG ENGKANTO KA!?" Sigaw niya.

Nagpalinga linga silang lahat at hinahanap kung saan man mapadpad si Ash pero ang totoo, nakatayo lang siya doon sa isang lugar.

Pinagmasdan niya silang lahat, mayamaya ay pumorma siya at may lumabas na ilaw mula sa dalawang kamay niya.

"Di ako engkanto." Sabi niya, mukha namang narinig iyon nila, naririnig nila? Ngumisi si Ash na ipinagpataka ko.

"I am your worst nightmare." Sabi niya at sunod sunod siyang nag labas ng malalaking container ng tubig, puro sila ilag at iwas paminsan minsan ay natatamaan niya ko pero di ako nakakaramdam ng sakit o di ako nag kapasa man lang.

Nag tago silang lima, kasama na itong si jambo kaya huminto si Ash at hinanap kami.

Mayamaya ay nakita na kami ni Ash, he's looking at me at nailing iling saka binaling ang tingin kay jambo, bigla siyang nangisi.

"Hi there, big fat pig." Wika ni Ash na siyang ikinataranta ni jambo. Tumayo siya at nagbabalak sanang tumakbo pero bigla siyang napabungo kay Ash.

Whut?! Nararamdaman din nila si Ash?! Pero tumatagos siya sa pader??! Pilit na umaalis si jambo pero di siya makaalis.

"Boss anong ginagawa mo boss?!" Tanong nung isang adik habang nakatingin kay jambo na nagmumukhang tanga.

Huminto si jambo dahil narin siguro sa pagod, pero maya maya lang ay sinuntok na niya si Ash, si Ash naman ay nakangisi lang at pinanonood si jambo.

Di ba siya nasasaktan? Mayamaya ay bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ni jambo gamit ang isang kamay niya at ang isa naman ay nakahawak sa kwelyo niya.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ko kung pano iangat ni Ash si jambo na parang wala lang. Whut the?! Di ba siya nabibigatan??!

"Wow boss! Lumilipad kana?!" Sabi nung lalake sa sulok na mukhang adik, di ko tuloy malaman kung matatawa ba ko o ano.

"I'll let it pass.. Pero sa susunod na magkita tayo.. Di kana magigising pa." Bulong ni Ash pero sapat na para marinig ko. Natigilan kaming lahat ng makita kung pano lumipad sa ere si jambo at dumiretsyo sa basurahan. Whut the?!

Nagulat ako ng hawakan ako sa wirst ni Ash at hinila patayo, kita ko yung mga lalake na nakatingin sakin.

"You! You! You and You! All of you! Next time you lay hand with this girl! We'll meet in hell!" Sigaw ni Ash bago ako tuluyang hatakin paalis.

>.<

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now