IMAGINATION 37

50 6 0
                                    

• CHAPTER 37 •

Agad akong napatayo at yumakap sa kanya. "Sorry naaa..." Sabi ko, di ko siya naramdamang gumanti sa yakap ko kaya kinabahan na ko.

Kumalas ako sa yakap at tinignan siya at hayun, seryoso parin siyang tinitignan ako. Napayuko namam ako.

"Di kasi agad kita na puntahan kasi di muna kami pinapasok ni Mommy kasi-"

"Nakakatampo ka." Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso parin siya. "Pero... Nakita mo na si Daze? Yiieee! Abot kamay mo na pangarap mo ah! Kwento ka daliii!" Excited na sabi ni Gritch.

Naguluhan naman ako, akala ko nag tatampo siya? Hinila niya ko paupo sa kama namin.

"Kwento mo! Daliii!" Excited na sabi nito. Kwenentohan ko naman siya kesa mag tampo lalo.

"Ang swerte mo naman! Ikaw napalapit na! Ako naman lalong nalayo." Sabi nito at biglang lumungkot ang mukha.

Tinignan ko siya hanggang sa may naisip ako. "Di ka pa uuwi?" Tanong ko sa kanya.

Nangunot noo naman siyang tumingin sakin. "Bakit pinapalayas mo na ko? Di mo na ko friend kasi mayaman kana at marami ka nang friends?!" Parang galit na malungkot na nag tatampo ang tono ng boses niya. Eh? Seryso?

"Hindi, hindi, hindi sa ganun. Uuwi na rin kasi ako at baka hinahanap na ako sa amin." Paliwanag ko, naginhawaan naman siya at nag tango tango.

Umuna na siyang lumabas dahil tinawagan ko pa ang sundo ko. Matapos ay lumabas na rin ako at nag paalam kay Mama.

Nauna nang umuwi si Gritch habang ako nag lakad palabas ng eskenita. Madilim na dito dahil alas-syete na ng gabi.

Nakakatakot maglakad mag isa. "Pssst! Miss!" Napalingon ako sa gawing madilim kung saan may mga lalaking mukhang adik na nag iinuman.

Napabilis naman ang lakad ko. "Psstt! Miss, sama ka samin!" Tawag muli nila. Lalong bumilis ang lakad ko ng marinig ko ang mga yabag ng paa nilang papalapit sakin.

"Miss.." Patakbo na sana ko nang mahawakan nung isa sa kanila ang wrist ko. Hinila nila ako palapit doon sa madilim na eskinita, na di naman dinadaanan ng mga tao.

"A-anong k-kailangan niyo s-sakin?!" Kinakabahang sigaw ko ng itapon nila ko dito. Napaupo tuloy ako. Pinalilibutan na ko ngayon ng limang mukhang adik na lalake.

Di sila nag salita at parang mga ahas na labas pasok ang mga dila, nakakadiri! "A-ano ba?!" Sigaw ko doon sa lalakeng humatak sakin patayo. "W-wag ako! P-pangit ako! M-mabaho pati yan! D-di ako n-naliligo!" Pigil ko sa kanya.

Pero di siya nakinig at umiling lang na ngumisi. "Patikim lang.. Haha." Sabi nito at nag simula ng mag lakbay ang kamay niya sa katawan ko. "TULONGGGG!" Hiyaw ko pero tumawa lang sila.

"Walang makakarinig sayo dito Miss." Sabi nung jambong lalake sa likod.

Pilit ko naman siyang tinutulak pero di sapat ang lakas ko hanggang sa napaluha na lang ako sa takot.

Hinintay ko na lang kung anong mangyayare sakin hanggang sa naramdaman ko ang pagkawala ng kaninang may hawak sakin.

Dahan dahan akong nag mulat para tignan ang nanyare at hayun, nakita ko ang kaninang kaharap ko na ngayo'y nakabulagta na at sa tabi niya ay may isang bote ng soft drinks na may laman.

"San galing yan?!!" Sigaw ng isang lalakeng malaki ang katawan at mukhang nag hahamon pa, mayamaya ay isang malaking container ng tubigan ang sumalubong sa kanya at nag patulog.

Sabay sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng bagay na iyon.

Ash?

O.o

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now