IMAGINATION 18

63 9 0
                                    

• CHAPTER 18 •

Napatulala ako sa kanya. Ano bang sinasabi nito? Nababaliw na ba siya??

"Hoy ash gray! Wag mo nga ko pinaglololoko! Sira ulo ka ba? Anong imagination?! Kitang nahahawakan kita ko!" Sabi ko at hinawakan ang braso niya.

"Nahahawakan mo rin ako." Sabi ko at pilit na ikinapit ang kamay niya sa braso ko. "Oh, kitams?" Sabi ko ng mahawakan niya ko. Bahagya siyang natawa.

"Yeah, I can do that cause you wish so.." Nakangiting sabi nito. Lalong nangunot ang noo ko. Ano bang pinag sasabi nitooo? "You really can't remember me?" Natatawang sabi niya. Nag iwas tingin siya. "Seriously? Why am I even asking." Sabi niya.

Naiinis na ko sa isang 'to ha? Pinag lololoko ako nito ha?! Napatingin siya sakin at nang mapansin niya ang mukha ko. Nangiti siya. "Lovelle Im serious." Sabi niya.

Napailing na lang siya ng di ako maniwala. Eh pano ba naman, sinong maniniwala kung sabihin sayo ng isang 'to na galing lang siya sa imagination mo eh, totoong totoo 'to?! Ano ko, adik??

Nagtaka ko ng bigla siyang bumaba ng kama at tumayo. Lumapit siya doon sa lumang cabinet ko na may laman na lumang gamit ko. Binuksan niya iyon.

"Hoy! Anong gagawin mo diyan?!" Tanong ko sa kanya. Umalis na rin ako sa kama at lumapit sa kanya.

May kinalkal siyang kung ano doon at di ko malaman sa sarili ko kung bakit pinabayaan ko lang siya.

Tumigil siya sa pag kalkal ng makita niya ang isang lumang notebook na ginagawa kong diary, 5 years ago noong 13 years old pa lang ako.

Binuklat niya iyon at kita sa mga papel na iyon na pinaglipasan na iyon ng taon.

May pilit siyang hinahanap doon at habang ginagawa niya iyon ay taka ko siyang tinignan, habang siya ay seryoso lang na nag hahanap.

Ano naman kayang gagawin nito? Matapos akong pag lolokohin?

"Arghh! Where is it?!" Parang siya pa ang galit ha? Hanep! Tinignan ko lang siya hanggang sa mapagod siya kakakalkal doon.

"Alam mo tumigil ka na, your just messing around. Tsaka, wag mo na nga akong pinag loloko!" Inis na sabi ko at inayos ang mga ginulo niyanv gamit.

Naupo na lang siya sa isang tabi. Napatingin ako sa kanya ng matapos ko iyong ligpitin.

"Ano? Tapos kana sa joke mo?" Nakapamewang na tanong ko. Ang drama drama kanina eh kalokohan lang pala. Tss.

Seryoso niya kong tinignan. "But Im serious." Seryosong sabi niya. "Im really serious.." Ulit niya pa.

Nailing iling na lang ako sa kalokohan nito, kung sigurong sinabi niyang alien siya eh maniniwala pa ko, eh yung galing sa imagination ko??

No way! Kasi kung galing siya doon? Edi sana matagal ko na siyang pinaglahong parang bula, e ni hindi ko nga siya makontrol.

"Alam mo, itigil mo na lang yang kalokohan mo dahil matutulog na ko, umuwi kana at matulog." Sabi ko at pumunta sa kama ko. Pahiga pa lang ako ng muli siyang mag salita.

"Im already home." Biglang sabi niya. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. So ano? Feeling niya bahay niya na rin 'to?

"Hoy! Ano ka? Feel at home? For your information, di ka welcome sa bahay"

"Im already home cause im leaving in your imagination..." Sagot niya. Saglit akong matahimik.

"Ewan ko sayo!" Putol ko sa katahimikan ko saka muling humiga at nag tulog tulugan.

Naramdaman ko ang pag lapit niya. "You might not believe me right now..." Dinig kong sabi niya pero nag kunyari parin akong tulog.

"But Im going to prove to you that Im not lying." Matapos niyang sabihin iyon ay plano ko na sanang sigawan siya pero pag bangon ko ay wala na siya..

>o<!!!

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now