IMAGINATION 03

124 8 0
                                    

• CHAPTER 03 •

"Oh ate, baon mo raw." Sabi ni Baboy at inabot sakin ang bente pesos. Teka? Anong mabibili ko dito? Pamaseho ko lang 'to eh?!

"Op, wag kana mag reklamo," sabi ni baboy at lumabas ng kwarto ko. Hmp! So mag lalakad nanaman ako? Tss.

Okay na rin baka walang wala na si mama. Lumabas na ko ng kwarto pagkatapos kong mag ayos pero kahit nag ayos na ko di parin naman gumanda. Tss.

Lumabas na ko sa bahay at nag simula ng mag lajad sa init. Hay nako, kaya di ako gumaganda eh!

Pinunasan ko na lang ang pawis ko gamit ang kamay ko. Napakainit naman kasi.

Alas-sais pa lang ng umaga pero yung araw parang tanghali na.

Napahinto ako sa tapat ng school na gustong gusto kong pasukan. Ang Don Atrias Bonifacio High private maganda at tanging sikat at mayayamang tao lang ang nag aaral dito at syempre dito din nag mula ang imaginary boyfriend ko,

And speaking of, nandito siya sa tapat ng gate at nakikipag tawanan sa mga kaibigan niya. Gosh! Ang gwapo niya talaga! Daze Pascua! Please be mine!?

*beep*beep*

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa businang nag mula sa likod ko. "Hoy miss! Kung magpapakamatay ka! Wag mo kong idamay!" Sigaw ng lalake mula sa kotse.

Tss. Sorry naman kase, nabighani lang talaga ko sa isang 'to. Hinintay ko muna siya pumasok sa school nila saka ko pumasok sa school na halos kalapit lang ng school nila.

Ang San Diego National HS public syempre, magulo at school ng mga katulad ko, pero kahit naman na nasa public school ako, masaya naman ako.

Pero minsan ay naiinis din ako at speaking of inis, itong teacher ko ay inis na inis ng nakatingin sa chaka kong mukha.

"So Ms. Ponce, bakit ka nanamang late at alas syete ka na pumasok?! You always miss my subject!" Sigaw nito sakin. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Eh kasi po mam, naglakad—"

"Enough with does stupid reason, tomorrow, I want you to bring your mother at my room, 6:00 am, Sharp!" Sigaw sakin nito at saka ko tinalikuran.

Patay ako kay mama nito eh. Wala sa mood akong pumasok sa room at umupo sa proper seat ko.

"O ano? Sigaw nanaman ang inabot mo kay mam, kung di ka kang sumilay doon sa Daze Pascua mo edi sana di ka masyadong late ngayon!" Sermon sakin ni Gritchelle. Isa pa 'to, pinagalitan na nga ko mula sa bahay at sa teacher ko, sasali pa siya?

"Hay nako Gritchelle wag mo ko sermonan wala ko sa mood." Sabi ko na lang sa kanya at mabuti na lamang at dumating na ang next teacher namin at di na nakapag salita pa si Gritch.

*****

"Lovelle, Bakit ba kasi lagi ka na lang abang dito? Ano ka ba stalker niya?" Inis na tanong ni Gritch habang nag aabang kami dito sa gate ng DABH.

"Parang ganun na nga." Simpleng sagot ko, narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"Eh nako Lovelle, wag mo kong idamay sa kalokohan mo! Uwi na ko!" Reklamo ni Gritch, nilingon ko siya at hayun ang gga, naglalakad na palayo. Eh bahala siya.

Nilingon ko ulit ang gate at nakita kong palabas na si Daze. Para kong tanggang naka sunod sa kanya dito, hay nako, nagagawa nga naman ng love.

"Sige Dre, una na ko." Paalam niya doon sa mga kaibigan niya at humiwalay na siya doon sa mga kaibigan niya kaya sumunod ako sa kanya.

Dumiretsyo na siya doon sa kotse niya at hayun, naiwan ako ditong parang tanga.

"Oh, Love? Bakit ang lungkot mo?" Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko ang Daze Pascua na sarili kong gawa.

Ngumiti ako. Kahit papano ay masaya ako dahil meron akong siyang imagination na nakokontrol ko gaya ng gusto ko.

*****

Napatingin ako sa orasan sa may cabinet ko bago ako matulog.

11:58
September 16 20XX

Masaya akong humiga sa kama ko dahil sa wakas ay makakatabi ko ulit ang Daze bebe ko sa pagtulog.

"Goodnight Love, sweet dreams.." Sabi niya sakin at hinalikan ako sa noo, ngumiti ako sa kanya at niyakap na lang siya.

Ang sweet sweet talaga ng boyfriend ko kahit kailan—Mabilis akong napabangon ng makarinig ako ng ingay.

Napalingon ako sa right side ng kwarto ko kung saan parang may narinig akong nabasag.

Napatingin ako sa tabi ko, wala na si Daze, nakakainis naman yung nabasag na yun! Nasira nanaman ang imagination ko!

Tumayo ako at binuksan ang switch ng ilaw saka tumingin doon sa lugar kung saan may nabasag.

Pero laking gulat ko dahil sa imbis na basag na bagay ang makita ko, isang gwapong lalake pa ang nahuli ko.

Natulala ako for a minute pero ng rumehistro sa utak ko ang nanyare agad akong nag salita. "S-sino ka?"

°o°

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now