IMAGINATION 51

61 4 0
                                    

• CHAPTER 51 •

Natulala ako sa kanya nang sabihin niya iyon, kinuha niya ang kamay ko para iabot ang vest na hawak niya dahil wala akong balak na kunin yun ngayon.

*clack*

Sabay kaming napalingon ni Ash nang bumukas ang isang cubicle. What?! Niluwa nun si Athena na seryoso lang akong tinitignan.

Mabilis siyang nag lakad sa gawi ko at huminto sa harap ko. "Excuse." Sabi nito at saka ko lang na realize nakaharang pala ako sa pinto.

"Uh." Mabilis akong tumabi upang makaraan siya, baliwala siyang lumabas matapos yun at saka lang ako nakahinga ng maliwag.

Shemay! Baka akalain niyang baliw na talaga ko! Pangalawa na 'to huh?! Nagpalinga linga ako sa paligid upang hanapin si Ash pero wala na siya.

Tss.. Matapos ang lahat? Napailing ako at pumasok sa isang cubicle upang isuot ang vest ko.

*****

"Huy, kanina ka pa lutang! Anong bang nanyare sayo sa baba at mula nung pag akyat mo eh tulala kana!" Sabi ni Gritch, last subject namin ngayon at vacant pa.

Napatingin ako sa kanya, di ko naman pwedeng sabihin na nilandi ako nung imaginary husband ko sa CR kanina!

"Ay! Alam ko na! Si Daze yan 'no!" Bulong niya sakin. Tumango lang ako kesa kulitin niya ko at hayun ang loka, nag papakwento, sinabi kong mamaya na lang.

Natulala na lang ulit ako sa pag iisip, kasi naman kanina pag balik ko eh wala na yung vest ko dito sa bag at saka ko lang na realize na yung vest na suot ko ngayon ay yung vest na kaninang nasa bag ko. (May pangalan kasi)

Napaisip ako kung pano niya ito na bitbit, imposible kasing binitbit niya ito mula dito hanggang doon sa CR.

Malamang eh nag kagulo na at makakita sila ng lumulutang na vest, napatingin na lang ako sa gawi ni Athena na ngayon ay tulog na habang may nakapasak na earphones sa tenga niya.

Napaisip din ako sa isang 'to eh.. Pano kong akalain niya baliw ako? Pano kung ipag kalat niya? Hay! Makausap nga siya mamaya.

"Hey Love.. Spacing out?" Napatingin ako sa katabi ko, si Daze.. Tapos na pala siyang mangopya ng notes.

Kinopya niya kasi yan yung mga araw na absent siya. "Ah, may iniisip lang." Sabi ko.

Ngumiti siya. "Ako yun?" Nanlaki ang mata ko, at agad na napailing. Teka.. Sinabi niya bang ako?

"H-ha?" Pagpapaulit ko. Para lang makasigurado.

"Sabi ko, ano yun?" Ulit niya. Nakahinga naman ako ng maluwag, tss, sa sobrang pag iisip ko kung ano ano na lang ang naririnig ko.

"Ah, wala naman.. Mga bagay bagay.." Sabi ko. Tumango tango siya. Lumipas ang oras at uwian na, syempre gustong gusto ko na rin sumapit ang oras na ito.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now