IMAGINATION 53

57 5 0
                                    

• CHAPTER 53 •

"Angela, are you okay?" Tanong nang mga kaklase ko nang makapasok ako, pano kasi mukha kong walking zombie!

Bwiset kasi yung isang yun eh, di talaga ko patutulugin hanggang di ako tumatabi sa kanya eh, nag paikot ikot ako sa buong bahay pati kina manang nakitulog ako, mabuti na nga lang at nakalimutan ng mg maids ang lumilipad na kutsara eh.

"Mukha kang zombie 'te." Sabi ni Ate Ayu. Umupo ako sa gitna nina Gritch at Ayu.

Di ko sila pinansin at umiglip na lamang nang saglit.

*****

"Lovelle, gising. Nandyan na si Mam." Nagising ako dahil sa pag yugyog sakin ni Gritch.

Mabilis ako nag mulat nang makita si Mam Ynzejo, mabuti na lamang at gising na gising na ko ngayon.

"So today class. I want you to meet your new classmate." Sabi ni Mam Ynzejo. Narinig ko ang bulungan nila na 'nanaman?' 'nagsisilabasan mga basura't walang pinag aralan.'

Nagtaka naman ako, sinong new classmate? "Hi crushmates!" Pabati nang nasa unahan.. Teka?! Ate Ayu!

Kita nang lahat ang malanding pag kindat at pag flying kiss ni Ate kay Daze. Whut?! Ate akin yan!

Nakita ko naman na nairita si Daze sa ginawa niyang iyon, narinig ko rin ang negative reaksyon ng mga kaklase namin.

"Im Richelle Ayun Santos, but you can call me Ayu, 20 years old, from Bagong Bahay, Antipolo City!" Sabi nito with a tune na parang yung sa miss universe.

Nag ani naman ito ng negative reactions, pero binaliwala niya ang lahat nang iyon at positive parin.

Matapos nang introduction niya eh bumalik na rin siya sa upuan niya at hala si ate! Nilalandi ang Daze.

Panay kindat at nguso, habang ito namang si Daze eh diring diri na. "Uh, can you exchange chairs with Angela." Iritadong utos nito kay Ate. Take note INUTUSAN niya si ate.

Tss. Ayaw na ayaw pa naman ni ate ang inuutusan. Napasama ang mukha ni ate. "What?! Inuutusan mo ba ko?!" Sigaw ni Ate na nakaagaw ng atensyon ng lahat.

Di sumagot si Daze at seryoso lang na tinignan si Ate. Tumayo si Ate at halos matanggal ang mata nito nang irapan niya si Daze.

"I don't like you na! Hmp! Ayaw kitang katabi!" Sabi nito at pilit ba naman akong pinatayo ni Ate sa upuan ko, kaya no choice ako at tumabi kay Daze, well, I like this way more.

Ginanahan akong makinig at mag recite dahil katabi ko si Daze, dati kasi ay one seat apart kami dahil sa nahihiya akong tumabi sa kanya, pero ngayon, nagkakabunguan na ang mga siko namin.

"Ganado ka yata ngayon ha?" Sabi ni Gritch at binigyan ako nang mapang asar na tingin.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now