IMAGINATION 41

51 6 0
                                    

• CHAPTER 41 •

Saglit siyang natahimik matapos ang tanong kong iyon. "Sorry, I can't tell you.." Simpleng sagot niya, tumayo siya. "But... I wish you'll remember me.. Before I leave.." He said, then bigla na lang siyang nawala.

I can't clearly hear his last words dahil halos pabulong na lang iyon, but I think it has something to do with him, kasi di naman siya mawawala kung wala lang yun hindi ba?

Napahiga na lang ako at natulala sa ceiling. Hay! Seriously! I can't sleep!

****

"Angela, join us! Sa bar!?" Yaya ni Sarah matapos ang class namin. Seriously bar? No way.

"Ah, Im sorry, I can't.. Di ako nag babar." Sabi ko, syempre with my sweet tone. Kahit na ayaw na ayaw kong kausap ang isang 'to.

"Mmm, okay fine! See ya!" Paalam niya at umalis na siya kasama sina France at Lei.

"Good girl, huh?" Napatingin ako sa nag salita, si Ash. Inirapan ko lang siya. Pampam talaga 'to, guguluhin nanaman ang araw ko. Tss..

Di ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pag aayos sa gamit ko sa bag, nauna na din pala si Heart dahil kanina pa siya naiirita sa mga babaeng nanlalandi sa kanya.

"Dadaan ka sa Mama mo?" Tanong niya, kita ko sa gilid ng mata ko na malapit siya sakin.

"Hindi muna, I have a lot of things to do, tatawagan ko na lang siya." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Mmm, mabuti naman.. Alam mo, adik talaga yung mga nanharang sayo kahapon." Sabi niya.

Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko, napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya. "Pano ba naman, sino ba naman ang papatol sa ganyang mukha?" Natatawang sabi niya.

Whut?! Agad naman akong napikon. "Kapal mo ha?!" Inis na sigaw ko at pinagsusuntok siya pero napahinto ako ng makita ko sa gilid ng mata ko na may nakatayo sa gilid namin.

Napansin din siguro ni Ash iyon dahil sabay kaming napalingon. Nakita kong nakatayo doon yung weird girl sa class namin.

My gosh! Baka akalain niyang baliw ako. She's calmly looking at me then napatingin siya kay Ash, medyo nangunot ang noo niya at nag balik ang tingin sakin, matapos yun ay tinalikuran niya kami.

Napatingin ako kay Ash na ngayo'y kunot noong tinitignan yung babae kanina. "Wait here. I'll be back." Sabi niya and with that nag laho na siya na parang bula.

Where is he going? Kahit may pagtataka, umalis na lang rin ako sa classroom at bumaba na.

Sa di kalayuan, sa labas ng gate, natanaw ko si Gritch na nakasandal doon sa may poste na dati kong pinag tataguan tuwing sumisilay ako kay Daze.

Napatakbo naman ako ng makita ko siya doon. "Gritchelle!" Tawag ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa gawi ko at sinalubong ako ng ngiti.

"Anong ginagawa mo dito? Sumisilay kay Heart? Ayiieee!" Asar ko sa kanya, nag blush naman siya.

"Hindi! Sira ano kaba! Ikaw pinunta ko dito, halika nga!" Sabi niya at hinatak ako, dinala niya ko sa isang paborita naming kalenderya.

Napapatingin pa nga sakin ang mga tao dito, siguro ay nag tataka sila kung bakit may isang tiga DABH ang kakain sa isang kalenderya.

"Manang, dalawang order nga ng tapsilog!" Order ni Gritch. Napangiti ako, she know what I want. Nilabas ko muna ang phone ko at tinext anf driver ko na wag muna ako sunduin.

Hinintay muna namin ang order bago namin pag usapan ang matters. "So, anong pinunta mo?" Tanong ko pag karecieve ko nung pagkain.

"Eh kasi may sulat na pinadala samin." Panimula niya at may kinalkak sa bag niya. Sinimulan ko nang kumain hanggang may inabot siya saking papel.

Ano 'to? Tinignan ko iyon, at may nakasulat doong pangalan.

To:
Ms. Gritchelle Santos &
Ms. Richelle Ayun Santos

From:
Ms. Jenxa Argebaht

Napatingin ako kay Gritch na busy sa pagkain. "Pinadala yan samin, kaninang umaga lang." Sabi niya ng mapansing makatingin ako.

Agad ko namang tinuon ang pansin ko sa sulat at binuksan iyon.

Dear Ms. Santos,

        I, Jenxa Argebaht is gladly giving Ms. Gritchelle Bañola Santos and Ms. Richelle Ayun Bañola Santos a scholarship.
        I gladly give a scholarship to both of you and take your studies at Don Atrias Bonifacio High, with the favor of my daughter, Angela Janax Argebaht.
        I take all the payment, bills and give allowance every end of the month.
       I hope you'll gladly accept this scholarship.

Respectfully yours,
Jenxa Argebaht
Current owner of DABH

Napatingin ako kay Gritch na busy parin sa pag kain. "Would you accept?" Tanong ko. Napatingin siya sakin at parang nag dadalawang isip.

"Mmm... Si Ate Ayu, syempre pumayag pero... I don't think I'll fit with that school, mahirap lang kami oh. For sure we'll be bullied. Lahat kaya ng nag aaral diyan ay mayayaman. Walang scholars." Sabi nito.

"Aren't you happy? Kayo ang first scholars saka. DABH yun oh, isn't your dream schoo? Noon pa man pinangarap na natin makapasok dito, at eto na oh, nasa harap mo na ang grasya pakakawalan mo pa?" Sabi ko.

Nagkibit balikat siya. "At kung may umapi man sa inyo we'll protect you, and beside aren't you happy kasi you are able to see him again?" Pag uudyok ko.

Mukha naman siyang nag isip. Sana pumayag siya.

I.I?

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now