• CHAPTER 48 •
"A-ano 'to?" Tanong ko kay Ash. This notebook is mine. 5 years ago, I use this as my diary, pero di ko matandaan 'to.
And also, this is my hand writing before. "Read it." Utos niya. Tinignan ko muna ang notebook.
Few minutes later, binuksan ko na yung notebook and the memories that I've forgotten, go back as I open that notebook.
5 YEARS AGO
Uwian na at excited akong umuwi. Ewan ko ba, lagi akong excited nang walang dahilan.
Pag pasok ko sa bahay ay dumiretsyo agad ako sa kwarto. Naupo ako sa study table kung saan ako nag susulat sa diary ko.
Dear Diary,
Masaya ako ngayong araw na 'to kasi..
Mali! Pinunit ko ang isang pilas ng notebook.
Dear Diary,
Kanina, nilibre ako ni Gritch..
Mali! Pinunit ko muli ang isang pilas ng notebook, nagsimula doon at nag ulit ulit na ang pilas ko.
Kainis! Nilapag ko ang ballpen ko, di ko kasi alam kung pano sisimulan ang araw ko.
Lumabas muna ako para mag isip isip at magpahangin.
Hanggang sa may makita akong lovebirds sa labas ng bahay. Ang sweet sweet nila, Mmm..
Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at nag drawing ng mukha ng imaginary husband ko, hihi.
Magaling ako magdrawing, I have my tools here with me kaya ng matapos ay super perfect.
Nagdrawing ako ng full body at yung mukha lang, ilang araw din ang inabot ko doon.
I draw him at eto ang kinalabasan, isang gwapong nilalang.
Medyo weird siya dahil sa ginawa kong ash gray ang buhok niya.
Down to his eyes, kulay ash gray din. He has this perfect shape and color of brows, mahaba at makapal ang pilik mata.
Pointed nose, thin and rosy lips, perfect jawline..
White skin, matangkad at manly ang shape ng katawan.
"Perfect." I whispered.
Kumuha ako ng panibagong notebook at idinikit sa first page ang drawing ko na iyon.
Tinitigan ko siya at nag isip ng pangalan. "Ash Gray.. Ash.." I said to myself, denisignan ko yung notebook at matapos nun ay nagsulat na ko.
Dear Ash Gray,
Hi there imaginary husband. Im Lovelle, your wife, yieee! So I will name you Ash Gray since favorite color ko iyon, haha! So I want you to be a good husband, gusto ko yung nakakatawa ka, maloko, pero dapat alam mo ang limitasyon mo.
Gusto ko rin yung sweet at mabait, at syempre mahal na mahal ako, at syempre gusto ko rin yung matalino para naman mabuhay niya kami kahit papano..
At last, na hihilingin ko, gusto ko makilala kita pag 18 na ko, masyado pa kasi akong bata ngayon.
Almost perfect ka na nga kung hihilingin ko, pero di mo ko masisisi, mangangarap na nga lang ako eh.Nagmamahal,
Lovelle.PRESENT YEAR
Mabilis kong nililipat ang bawat pages matapos kong mabasa ang mga ito, madalas kong ikwento dito ang araw ko, pero agad din ito natapos dahil unti lang ito.
Mabilis din akong lumingon kay Ash at binigyan siya ng mukhang nagtatanong. Ngumisi siya. "Yes Lovelle, I am your imaginary husband."
O.O
YOU ARE READING
Imaginary Boyfriend: Lovelle Ponce
FantasyLovelle Ponce (14) Original Date: • September 16 2018 • October 23 2018