IMAGINATION 12

78 7 0
                                    

• CHAPTER 12 •

Matamlay at walang gana akong umuwi sa bahay matapos kong magpalipas oras sa park.

Tuluyan na kong di pumasok kanina dahil sa wala ako sa kondisyon. Bahala na rin kung mabugbog man ako ni Mama.

Saktong pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sakin ang masamang tingin ng aking baboy na kapatid.

Walang gana kong pumasok sa loob at nag dirediretsyo sa kwarto ko. Naupo lang ako sa kama at tumingin sa kung saan.

Napatingin lang ako sa may pinto ng marinig ko ang pagbukas nito. Niluwa nun ang baboy kong kapatid.

"Bakit ka di—"

"Wag mo ko sermonan ngayon, wala ko sa mood makinig sayo." Sabi ko at agad na humilata sa kama.

"Hay, bahala ka, di kita isusumbong dahil good mood ako ngayon." Sabi niya at tuluyan ng isinarado ang pinto. Well, that to that banana.

Hay, kung iba ang sitwasyon ngayon eh malamang tinawanan ko na ang isang iyon, pero iba ngayon eh..

Broken hearted ako ngayon.. Naalala ko nanaman ang isang iyon. Napasubsob ang mukha ko sa kama dahil alam kong nandito si Imaginary Daze. Malamang. Eh, iniisip ko siya ngayon eh.

"Love?" At aba! May lakas loob pang tawagin ako, napahagulgol na lang ako sa inis sa kanya.

Bwiset! Bwiset! Kanina lang ay okay na ko, pero nawala na lang siya bigla! Nakakainis!

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako.

*****

"Ma, diyan lang ako sa park ha?" Paalam ko kay mama, tumango lang siya at pinagpatuloy ang paglalaba.

Nakadaanan ko si Heartler na tulog na tulog pa doon sa sofa bago ko umalis. Itong lalakeng 'to. Tss.

Wala pala kaming klase ngayon dahil nasa seminar ang mga teachers ng grade 12 kaya eto ako ngayon. Buong araw na nag eemote.

Alas-tres na ng hapon ng lumabas ako ng kwarto, di narin nag tanong si mama dahil siguro ramdam niya ang dahilan.

Agad akong naupo sa kinakalawang na swing pagdating ko sa park. Marahan kong itinulak ang paa ko para dumuyan ako.

Tahimik ko lang na minasdan ang tanawin, ang ganda ganda ng tanawin pero ang panget ng mood ko. Bwiset kasi yung Daze na yun eh. Ginugulo ang isip ko!

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Imaginary Daze doon na maamo akong tinitignan.

Simula pag gising ko ay kasama ko na siya, pero di pa siya nag sasalita mula kanina, siguro ay dahil di na makapag function ng maayos ang utak ko.

Tinignan ko lang si Imaginary Daze na nakatingin din sakin. "Wag mo kong tinitignan. Galit pa ko sayo." Walang gana kong saad.

Pero di parin siya nag iwas tingin at nanatiling nakatingin sakin. "Nakakainis ka! Sabi nang..." Nag simula nanamang umagos ang luha ko na kaninang umaga ko pa iniipon.

Bakit ba kasi anlakas ng imahinasyon ko at nakikita ko pa rin siya kung saan saan?

Itinakip ko ang palad ko sa mukha ko at hinayaan ang sarili kong umiyak. "Umiiyak ka nanaman." Agad akong nag angat tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Agad akong tumayo at niyakap siya. "Ash gray, pwede ba kahit ngayon lang, hayaan mo kong yakapin ka?"

°^°

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now