IMAGINATION 21

63 8 0
                                    

• CHAPTER 21 •

"Panong... Ma! Seryoso?!!! Di mo makita? Ayun ooo!" Pag pupumilit ko at itinuro si ash gray hair pero pag lingon uli doon ni mama ay sigaw nanaman ang naabot ko.

Inis ko tuloy na tinignan ang tumatawang ash gray ang buhok! Anak ng tokwa! Panong nanyare yun?!

"Nako, Lovelle! Umalis kana nga dito sa kusina kung magloloko ka lang!" Sabi ni Mama.

Inis naman akong nag martsa papasok ng kwarto. Ramdam ko rin na nakasunod lang siya sakin pero di ko siya nililingon.

Umupo ako sa kama ko at nasulubong ko ang masigla niyang ash gray eyes. Bakit ba lahat sa taong 'to eh kulay gray? Pati damit, short, relo, sapatos o tsinelas ay puro gray. Paborto niya rin ba ang gray?

"Oh ano? Naniniwala"

"Panong di ka nakita ni Mama?!" Agad na sigaw ko. Ngumisi siya.

"Eh kasi nga, ikaw ang lumikha sakin kaya ikaw lang ang nakakakita sakin. Maliban na lang sa mga taong kaya ko makita gamit din ang imagination nila." Paliwanag niya.

"Tss.." Inirapan ko lang siya.

"Tigil tigilan mo ko ha? Kung ikaw galing sa imahinasyon ko, bakit ba di kita makontrol?!" Sabi ko at nilingon siya. "Kung nakokontrol kita sana matagal ka nang wala dito!" Biglang sabi niya at nagulat ako sa ekspresyon na pinakita niya.

Nanamlay ang kulay abo niyang mga mata, nasaktan ba siya sa sinabi ko. "So—" nahinto ako ng bigyan niya ko ng malungkot na ngiti.

"Alam mo kung bakit di mo ko makontrol?" Panimula niya. Di ako sumagot.

"Kasi di tulad ng ibang nasa imahinasyon mo, ako binigyan ako ng makapangyarihan ng isip at sariling kaluluwa. Iba ako sa mga imahinasyon mo Lovelle. May emosyon ako. Nakakaramdam ako ng lungkot at saya. Nasasaktan din ako Lovelle, di mo man ako masasaktan ng pisikal, pero pwede mo kong masaktan ng emosyonal." Sabi niya na para bang ipinapaalam sakin na nasasaktan siya. Nakonsensya naman ako. Gusto ko sana mag sorry pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"Sa totoo lang, pwede mo naman ako makontrol eh, yun ay kung mag papamanipula ako sayo. Kaso ang kapalit nun ay magiging katulad na lang ako ng normal na imahinasyon mo.. Natatakot ako na di na kita makausap pa ng matino dahil ikaw na lang ang nag kokontrol sakin." Sabi nito.

"Pero kung gusto mo rin lang pala ang maglaho ako ng parang bula, sige gagawin ko yun. Bilang pag respeto sa lumikha sakin. Ikaw ang susundin ko." Sabi niya binigyan niya ko ng munting ngiti at unti unti siyang nag fade at nag laho na lang ng parang bula.

T_T

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now