IMAGINATION 20

69 9 0
                                    

• CHAPTER 20 •

Ala-una na ng hapon ng makauwi ako, sinundan ko pa kasi si Daze kanina nung nag lunch sila. Kumain siya kasama ang mga kaibigan niya sa isang mamahaling restaurant.

Di nga ako nakapasok dahil wala naman akong pera pambili doon, kaya eto ako ngayon. Tahimik na naglakad kasama ang imaginary boyfriend kong si Daze.

Pagpasok ko sa bahay at halos walang tao dito atsaka ko na alala na namalengke pala si Mama at si baboy ay niyaya nila Aldos na mag basketball kaninang pag uwi.

"Mukhang tayo dalawa lang ngayon ha?" Napatingin ako kay imaginary Daze ng sabihin niya iyon. Nakangiti siya ng nakakaloko.

Mukhang pareho kami ng iniisip ha? Malamang pareho! Gunggong ka? Galing sa isip mo yan Lovelle! - my inner self.

Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto ko sama si imaginary Daze. Nilapag ko ang bag ko sa taas ng maliit na cabinet ko saka sumampa sa kama.

Ganun din ang ginawa ni Daze. Umupo siya sa tabi ko habang ako naman ay nakahiga.

"Anong plano, Love?" Tanong niya sakin. Napangisi ako, mukhang magaganap ngayong hapon ah.

Napabangon ako at tignan siya maigi. I just he's real, sana siya na lang ang totoong Daze Pascua.

"Don't be sad, Love.. Im here.." Sabi niya. Niyakap niya naman ako, Yeah I know. Bakit ba ko na lulungkot? Katabi ko na nga siya eh.

Niyakap ko na lang rin siya. Napapikit na lang ako. Naramdaman ko ang dahan dahan niyang pag pat sa ulo ko.

Napangiti ako sa ginagawa niya— Agad akong napadilat ng marealize ko ang sitwasyon.

At hayun! Nakita ko itong mokong na ito na siyang nakayakap sakin at aba! Nakangisi ang mokong!

Agad ko siyang tinulak palayo. Anak ng tokwa naman itong ibang klaseng nilalang na ito!

"Di mo ba alam yung manners?!" Inis na bungad ko sa kanya. Napatayo na lang ako at lumayo sa kanya.

Ngumiti siya at nag kibit balikat. "Well.. I just want to stop your imagination, cause I already know what will happen next. So to avoid that censored thing—"

"Ewan ko sayo! Maiwan ka na nga diyan!" Sigaw ko sa kanya at nag martsa palabas ng kwarto.

Pumunta ako sa sala at binuksan ang TV at nanood na lang.

"Why are you so mad? Seriously? You really want to—"

Nilaksan ko ang TV para di ko marinig ang isang ito, kahit na halos mabinge na ako basta wag ko lang marinig ang boses ng isang ito.

"LOVELLE! ABA'T BAKIT BA ANLAKAS LAKAS NG TEBE!" Sigaw ni Mama saktong pag dating niya. Aba'y basta si mama, kahit gano pa kalakas ang TV, wala parin talaga tatalo sa sigaw niya.

Hininaan ko yung TV.

Napatingin ako sa may pinto at nakita ko siyang nakatayo sa labas nun. "Eh kasi may epal na magulo dito eh!" Inis na sabi ko. I heard him chuckle kaya nilingon ko siya at hayun ang loko anlakas pa ng loob para tumawa. Hmp! Humanda ka sakin, patay ka ngayon.

"Hano bang pinag sasabi mo riyan, Lovelle?" Sabi ni Mama ng pumasok siya. Nag mamadali siyang nag tungo sa kusina para mailapag ang mga pinamili niya.

Di man lang ako pinansin? Tumayo ako at sumunod sa kanya. Sumunod rin itong isa sakin. Aba! Atapang a tao!

"Ma! Pwede bang ipakulong mo ang isang 'to at kasuhan ng trespassing!?" Inis na sabi ko. Tinulungan ko naman siyang mag ayos ng pinamili niya.

Napatingin sakin si Mama. Naka simangot. "Hano ba iyang pinag sasabi mong bata ka?" Tanong niya. Nag lakad ako papunta sa ref para ilagay ang mga itlog doon matapos ay tumingin ako kay ash gray hair na nakangiti pang nakasandal sa tabi ng despenser.

"Eh Ma, matagal na kasi may nag tretrespass dito!" Sabi ko sa kanya. Nangunot naman ang noo ni mama.

"Ano bang pinag sasabi mo ha?" Gulong tanong ni Mama.

Tumingin ako sa kanya. "HAYUN Ma, oh! Yang animal trespasser nayan!" Inis na sabi ko habang nakaturo sa tumatawang ash gray hair. Agad na nag tungo ang mga mata ni Mama doon at nagulat ako sa sunod na nanyare.

"IKAW NA BATA KA?! PUWEDE BANG TIGIL TIGILAN MO NA IYANG IMAHINASYON MO?! MUKHA KANG TANGA! NABABALIW KA NANG GGA KA!" Hiyaw ba naman sakin ni mama.

Napanganga ako. Wut the?! Nakanganga kong napatingin sa tumatawang ash gray hair! "See?"

Panong?!

O.O

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now