IMAGINATION 47

49 5 0
                                    

• CHAPTER 47 •

"H-huh? S-sinong Athena?" Balik tanong niya after a few minutes of silence. Nag iwas tingin lang ako at bumuntong hininga.

Alam ko kasing may tinatago siya pero ayaw niya sabihin, kaya kung ayaw niya. Okay lang naman.

"Sige, matutulog muna ako." Nasabi ko na lang at agad na humiga sa kama ng di man lang nag papalit.

Tinalikuran ko siya. Naramdaman ko namang tinitignan niya ako kaya agad kong tinaklob ang kumot ko sakin.

Bahala siya diyan.

*****

Inumaga na ko ng gising mula sa pagtulog ko, kaya sobrang ganado ko ngayon dahil sobra ang tulog ko.

"Good morning!" Bati ni Gritchelle pagkaupong pagkaupo ko, late kasi kami ni Heart dahil kinausap kami ni Mam Ynzejo bago pumasok.

Umupo na ako nang may marealize ako. "Gritchelle?!" Napatingin ako sa tabi ko, nandito si Gritchelle?! "P-pumayag ka?" Paninigurado ko.

Ngumiti siya. "Sa tingin mo..." Sabi niya at nag taas baba ang kilay pero biglang nagbago ang expresyon ng mukha niya ng mapatingin siya sa likod ko.

Agad akong napalingon doon, at hayun si Heart, kalmadong naglalakad habang nakakapit sa kanya si Sarah.

"Jackrill, can we go out.. Like you know..Date?" Malanding sabi nito. Napasimangot ako, eh kung batukan ko kaya 'to?!

Heart! Batukan mo bilis! "Yeah sure." Sagot pabalik ni Heart while looking directly at Gritch. Nahampas ko tuloy yung desk ko.

"Bi—"

Nahinto ako nang dumating si Mam. Tss. Pasalamat siya, umupo na si Heart sa tabi ni Gritch so bale nasa gitna namin si Gritch.

"Okay class, before we start the class, I want you to meet your new classmate, please stand up." Sabi ni Mam. Agad namang tumayo si Gritch at naglakad sa harap.

"Hi, Im Gritchelle Santos, Im a scholar from San Diego—"

"What?? Scholar? Pero di tumatanggap ang school na 'to ng basura! Ew!" Sigaw ni Sarah na nagpapantig sa tenga ko.

"Yeah, losers shouldn't be here!" Sabi naman ni France.

"Get out loser!" Sabi ni Lei at binato si Gritch ng papel, nag simula na sila sa kakabato.

"CLASS! STOP IT!" Sigaw ni Mam, tumigil naman sila, agad akong napatayo at hinatak si Gritch pabalik sa upuan namin.

I look at her, paiyak na siya kaya tinap ko ang likod niya. Napatingin ako kay Heart na tinitignan din si Gritch nang may pag aalala pero agad siyang napaiwas nang mapansin ko iyon.

Why do he have to do this? To keep his feelings! Kinomport ko na lang si Gritch buong klase.

"Okay class dismiss." Sabi ni Mam. Agad kaming nag si labasan matapos niyang sabihin iyon.

Pinauna ko na rin si Heart umuwi dahil balak kong ihatid si Gritch at pumunta kay Mama.

"Lovelle, thank you ha." Sabi ni Gritch pag dating namin sa tapat ng bahay nila.

"No problem, basta tandaan mo, ako bahala sayo." Sabi ko. Ngumiti lang si Gritch saka siya pumasok sa loob ng bahay nila.

Agad din akong dumiretsyo kay Mama matapos iyon. "Mama!" Tawag ko kay Mama na busy sa pag lalaba.

"Oh, bat hindi mo sinabi na bibisita ka?" Tanong ni Mama, tumayo siya at yumakap sakin.

"Bakit kailangan ko pa magpaalam ma, sige ma, sa kwarto muna ako." Paalam ko, tumango lang si Mama.

Dumiretsyo ako sa kwarto ko ng masaya dahil sa wakas ay makakapagpahinga na ko, pero mali pala ako.

Pabagsak kong isinara ang pinto ng makita ko kung sino ang nasa loob ng kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko sa kanya, pero imbis na sagutin niya ko ay may inabot siyang kulay blue na notebook.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko nang nakakunot noo.

"Kunin mo na lang." Sabi niya at kinuha ang kamay ko para ipatong yung notebook.

Kunot noo parin akong nakatingin sa kanya. "Tignan mo na lang." Sabi niya, kaya kahit na may pag aalinlangan ay tinignan ko parin yung notebok.

Pero lahat nang pagtataka na dagdagan pa ng kahiwagaan ng mabasa ko ang title nang notebook na pagmamay-ari ko pala.

Dear
Ash Gray..

O.o?

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now