IMAGINATION 14

80 9 0
                                    

• CHAPTER 14 •

Dahan dahan akong napabangon ng magising ako. Napatingin ako sa paligid at nagtataka ako kung pano akong napaunta dito sa park. Nakahiga pa ko sa damuhan nito.

Sandali, ang huli kong naaalala ay ang pag yakap ko kay ash gray. Teka? Napatingin ako sa tabi ko, nahuli kong nakatingin sakin si ash gray hair.

"A-Anong nanyare?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya.

"Ah, nahimatay ka sa sobrang iyak kanina nung yakap mo ko." Sabi nito. Napangunot ang noo ko.

"Yun lang?" Tanong ko.

"H-ha? O-oo, bakit? Meron pa bang iba?" Tanong niya. Napatingin ako sa malayo at napapikit. Bakit parang may mali?

Pinikit ko ang mata ko dahil sa gulo ng isip ko, bakit pakiramdam ko may kulang? Bakit parang may mali? Tsaka sandali nga! Bakit ako umiyak?

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa katabi kong tahimik lang akong tinitignan. "Hoy ash gray, may nanyare ba?" Tanong ko dito.

Nangunot ang noo niya at nag halo halo ang ekspresyon ng mukha niya. "Ha? What are you talking about?" Sabi niya with naguguluhang tone.

"Bakit ako umiyak? Tsaka, bakit kita niyakap??" Nainis ako ng sabihin ko ang last word, oo gwapo siya, pero it doesn't mean na magugustuhan ko na yung idea na niyakap ko siya.

Nagulat siya sa tanong ko at mukhang di niya inaasahan iyon. "H-ha? H-hindi ko nga rin alam sayo! B-bigla ka na lang yumakap sakin." Paliwanag niya.

Teka? Di niya alam? Napatingin ako sa malayo. Umiyak ako ng walang dahilan? Seriously? Bakit ako umiyak? Clear pa sa isip ko na umiyak at niyakap ko itong mokong na ito kanina... Parang may mali talaga eh..

I don't even have a reason to cry? So why would I cry? Kasi trip ko lang? Tss. So stupid.

Ilang minuto ako na tulala at sinubukang isolve ang puzzle sa utak ko. Why is that? Parang may kulang talaga eh..

*****

Tahimik kong idinuyan ang sarili ko at tahimik na nag isip. Nang may biglang tumulak sa duyan ko, di iyon ganung kalakas pero sapat na iyon para maitulak niya ko palayo.

Napatingin ako sa likod ko pag kalayo ko, si ash gray, nginitian niya lang ako, bumalik ang duyan sa kanya kaya muli niya itong tinulak.

Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya and after few minutes of doing that eh pilit niya inihinto ang duyan ng bumalik ito sa kanya.

Nakita ko na lang siya sa harap ko. Nakangiti siya. "Hey cheer up.. Bakit ba ang lungkot mo?" Tanong niya.

"Muka ba kong malungkot?" Seryosong tanong ko. Napabuntong hininga siya at lumagpas ang tingin sakin at tila ba nag iisip.

Maya maya pa ay bumalik ang tingin niya sakin na may malaking ngiti. "I have a plan to cheer you up." Masiglang sabi niya.

Tumakbo siya papunta sa likod ko kaya nilingon ko siya, nakita ko ang likod niya papalayo sakin hanggang sa di ko sa siya nakita pa.

Nangunot naman ang noo ko, saan naman kaya ang punta nun?

Ilang minuto pa lang ang lumipas ay dumating na siya may dalang isang picnic basket at isang saranggola?

"Para san yan?" Tanong ko sa kanya, di niya ko sinagot bagkus ay nilagpasan niya lang ako at pumunta sa ibabang bahagi ng park.

Ano nanaman kayang balak nun?

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now