IMAGINATION 16

63 9 0
                                    

• CHAPTER 16 •

Para kong baliw na mag lalakad sa gitna ng ulan, gamit ko ang payong na iniwan niya. Lalo akong napangiti.

I know he's not just a ordinary person. Kahapon ko lang napatunayan.

Kahapon kasi habang nag uusap kami nung sabihin niya yung 'Because.. Im a..' Bigla siyang nag fade parang si imaginary Daze kabang mawawala na siya.

At kanina rin, nawalan ako ng alaala for a minutes, alam kong siya ang may gawa nun.

Naalala ko rin ang ginawa niya kay Daze. Napailing ako. I want to know what or who is he.

"O, kala ko wala ka nang balak umuwi eh, alas-sais na ng gabi oh." Bungad sakin ni mama. Ngumiti lang ako at inabot ang leche plan.

"O, wag kana magalit." Nakangiting saad ko. Tinignan niya naman ang inabot ko. Nangunot ang noo niyang tinignan ako.

"Leche plan 'to ha? San mo nakuha 'to? Ang mahal"

"Ma, wag kana mag tanong, kainin mo na lang yan." Sabi ko at inilagay sa kamay niya ang baunan.

Iniwan ko siya doon at pumasok sa kwarto ko. Napahiga na lang ako dahil sa pagod sa araw na ito.

****

Nagising ako sa sarili kong hilik bandang alas-dose ng madaling araw. Napaupo ako sa kama ko at napahawak sa tyan ko.

Nakapagtataka? Di man lang ako nagugutom? Siguro ay dahil doon sa leche plan na kinain ko na nag mula kay Mr. Not ordinary na si ash gray.

Binuksan ko na lang ang switch ng ilaw at nag aral, oo, nag aaral ako. Well, di ako matalino sa totoo lang ay bobo ako, pero ewan ko ba.. Sa English subject ako magaling at ganun din Heartler kaya kapag englishan ang labanan kami ang pinanglalaban.

Nilabas ko ang notes ko sa math at nag simulang aralin yun, nangunot na lang ang noo ko dahil sa equations na di ko maintindihan.

"Busy ha? Bagong buhay?" Narinig ko ang pamilyar na boses sa loob ng kwarto ko.

Agad akong napatingala at hinanap ang boses na iyon, nakita ko siyang nakasandal doon sa edge ng cabinet ko.

Di ko lang siya pinansin at binalik ang tingin sa inaaral ko. "Mm. Di ka man lang nagulat na makita ko?" Dinig kong sabi niya at naramdaman ko ang pag lalakad niya papunta sa gawi ko.

"Di na ko nagulat dahil alam ko namang may lahi kang kabute, ash gray." Sabi ko at di na siya pinansin.

Naramdaman ko na lang ang pag lubog ng gilid ng kama ko. Napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakaupo na pala sa tabi ko.

Nakatingin siya sa notebook na hawak ko at para bang sinusuri iyon, nagtaka na lang ako ng hablutin niya sakin ang notebook na kaninang hawak ko.

"Alam mo yan?" Tanong ko sa kanya, sa pagkakaalam ko kasi eh hindi na siya nag aaral.

"Well, kanina hindi, ngayon oo na." Sabi niya at nakangiting tumingi sakin. Napataas ang kilay ko.

"Talaga ba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Lalo siyang ngumiti.

"Totoo, alam ko 'to. Tamo, explain ko sayo." Sabi niya at lumapit sakin lalo upang ituro sakin ang solution nito.

Mangha akong napatingin sa kanya at mukhang nakuha niya talaga ang pag sagot dito.

"Akala ko ba di ka na nag aaral?" Gulat at takang tanong ko.

"Hindi nga." Sagot niya at sumandal sa boarder ng kama ko.

Nangunot pa ang noo ko sa sagot niya. "Hindi nag aaral eh pano"

"Like what you said Lovelle, Im not just a ordinary human.."

O_o??

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now