IMAGINATION 39

49 7 0
                                    

• CHAPTER 39 •

"Pano.. Nangyare yun?" Tanong ko kay Ash habang nag lalakad kami palabas ng eskinita.

Napatingin siya sakin. "Ang alin?" Kalmadong tanong niya. Napataas yung kilay ko, wala lang sa kanya yung kanina?

"Yung kanina, Naririnig ka nila, nahahawakan, ang lakas mo, nakakagawa ka ng mga bagay bagay?" Tanong ko sa kanya.

Naglapat ang labi niya at nag iwas tingin. "I can control it, you wish me to be strong pero nasobrahan, I can control na marinig ng ibang tao, o yung mga bagay sa paligid ko, pero isang bagay ang di ko makontrol... Yun ay ang makita ako ng iba." Sagot niya.

Napatango ako, so that's it? Nakalabas na kami ng eskenita at nakita ko doon si manong driver na nag aantay.

"Ms. Angela! Kanina pa po kayo hinihintay sa inyo!" Wika ni manong pag lapit sakin. Binitbit naman niya ang bag ko at dinala sa kotse. Sumunod ako.

Sumakay na ko sa kotse pati itong isang ito, sumandal siya at pumikit. Napansin kong di na gumalaw ang isang 'to.

Tulog? Seriously? Natutulog pa pala ang isang ito. 20 minutes ang biyahe mula kina mama hanggang dito sa bahay kaya 8:30 na kami nakarating.

"Oh gad, Im glad you're fine.." Salubong sakin ni Mommy pag labas ko. Naiwan pa nga ang isang iyon sa kotse.

Niyakap ako ni Mom pero agad din siya kumalas. "Bakit ngayon ka lang nakauwi?" Tanong ni Mom.

Napakamot ako sa ulo, ayoko namang sabihin ang nanyare.. "Ah.. Eh... Napahaba po ang kwentuhan namin ng kaibigan ko eh." Sabi ko.

Tumango lang si Mommy at sinabayan ako sa pagpasok sa loob. Nakahain na ang dinner doon at nakaupo na din si Heart doon.

Ako na lang yata ang inaantay. Tss. Bwiset kasi yung mga manyak na yun eh.

Dumiretsyo ako sa table at umupo. Nag simula na rin kaming kumain kaagad na pag ayos ko.

Tahimik lang kami, no chit chats. "Aj, how was school?" Tanong ni Mommy. Napatingin ako sa kanya.

"Okay naman po Mom, it was nice to be there.. Tsaka, ngayon lang po namin nalaman yung tungkol doon sa ano.." Sabi ko pag papatungkol doon sa pagiging Argebaht.

Ngumiti si Mom. "Sorry, I really forgot to tell you..." Sabi ni Mom. Ngumiti lang ako kaya binalingan na niya si Heart. "Lj... How was school?" Tanong ni Mom.

"Fine." Walang tingin tinging sagot niya, napangiti si Mom, siguro masaya dahil natuto nang tumugon si Heart sa tanong niya, kaysa dati di niya pinapansin si Mom.

Nagpatuloy lang kami sa pag kain, hanggang sa may naalala ako. "Ah Mom, can I ask a favor?" Tanong ko. Napatingin naman sakin si Mom habang si Heart. Wala lang pake.

"Uh, pwede po ba ipasok sa DABH yung friend ko? Pwede ba siyang mag scholar?" Tanong ko.

"Mmm, yeah sure, just for you.. Tell me who is she then aasikasuhin ko na ang pag lipat niya." Sabi ni Mom nang di man lang nag dadalawang isip.

Wala pa kasing nagiging scholar ang DABH, so medyo nakakaflatter na di man lang nag dalawang isip si Mom basta request ko.

"Uh, She's Gritchelle Santos from San Diego NHS." Sagot ko. Tinawag naman ni Mom yung parang assistant niya sa di kalayuan.

Sinabi niya yung name ni Gritchelle. Napansin ko rin na nakuha ko ang atensyon ni Heart at ngayon, kita kong sumisilay ang munting ngiti sa mga labi niya.

Napangisi ako, asus! Sungit sungitan may gusto rin pala! Mmm, well, di naman kasi malabo na mag kagusto si Heart doon lalo na't kaming apat noon ang mag kakalaro nila Gritch, Heart at ate Ayu.

One of the girls dati si Heart pero di naman siya bakla, super close nga nila ni Gritch noon eh, mas close pa samin kaso, noong highschool napag alaman ni Heart na may crush ito si Gritch sa kanya, kaya hayun, umiwas.

Di rin naman mapagkakaila na maganda si Gritch, ang ganda kaya niya! Ekk.

-.-!

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now