IMAGINATION 65

59 5 0
                                    

• CHAPTER 65 •

*WIHOO*WIHOO*

*WANG*WANG*WANG*WANG*

*WOOO*WOOOO*

Samut-saring ingay ang narinig ko nang magising ako, agad akong napabangon, nasan ako?

Nilibot ko ang tingin ko, ambulansya? "Wifey? Okay kana ba?" Napalingon ako sa tabi ko, nandito pala si Ash Gray.

"Ash, anong nanyare?" Tanong ko, inalala ko ang mga nanyare. Huling naaalala ko... 10 Wheeler truck!

Tinignan ko ang buong katawan ko, wala akong natamong kahit na anong galos! "Ash, si manong?! Asan siya?" Umiiyak na sabi ko.

Sobrang natakot ako, akala ko mamamatay na ko.. Niyakap ako ni Ash. "Shh, wag kang mag alala, okay lang si manong.. Walang nasaktan.." Sabi nito.

Umiyak lang ako hanggang sa bumukas ang pinto nang ambulansya. "Ate/Anak/Lovelle!"

*****

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Mama, halatang nag madali talaga si mama makapunta dito dahil halatang kagagaling niya lang nang palengke.

"Ayos lang ako, Ma." Sagot ko.

"Wala bang masakit sayo?" Tanong naman ni Mommy, halata ring in rush siya dahil parang kagagaling niya lang sa meeting.

Nasa cebu lang naman siya dapat ngayon eh.

"Wala po, Mom." Sagot ko.

"Sino ba kasi may gawa nito?!" Inis na sabi ni Heart na halatang nag madali rin dahil naka sando lang ito at simpleng pambahay na shorts.

"Kayo po ba ang pamilya ni Ms. Argebaht?" Tanong nung police na bagong dating.

"Yes we are." Sagot ni Mommy, pinasunod naman sila nang police at pumunta sa scene na di kalayuan dito sa ambulansya.

Nagtaka pa ko dahil nakatumba ang truck sa kalsada at di man lang natamaan ang kotse namin.

Panong nanyare yun?

"Ah, Ms. Argebaht, di kapanipaniwala ang insidenteng ito at kami mismo ay di makapaniwal, first time naming makahawak nang ganitong kaso." Sabi nung police.

"Katakataka po kasi di madetect kung saan nag mula yung truck, kung titignan niya ang mga CCTV na malapit sa lugar na ito di talaga mahanap ang truck." Unang paliwanag nung police at may pinakita na kung ano sa kanila.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now