IMAGINATION 64

56 5 0
                                    

• CHAPTER 64 •

Tahimik lang kaming nakaupo dito ni Ash Gray sa bench sa old garden, at syempre, selos parin ang loko.

"Uy, selos ka pa rin?" Asar ko dito. Ang cute niya kasi eh. Haha!

"Di nga ako selos!" Deny niya. Natawa ako. "Oh, anong tinatawa tawa mo diyan?" Napatigil tuloy ako dahil natakot ako sa kanya.

Kumapit ako sa braso niya. "Wag kana mag selos alam mo naman ikaw lang mahal ko eh... Yiieee!" Sabi ko. Sariling kilig?

Napatingin siya sakin at nag taka ako nang bigla siyang natawa. "Oo alam ko yun, ang cute mo wifey." Sabi niya. Eh? Anong sumapi samin at puro yata kami cute cute nitong mga araw na 'to?

Sumandal na lang ako sa balikat niya. "Ash Gray.." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Tugon niya.

"Bakit di ka niya nakita?" Tanong ko, bigla siyang gumalaw kaya tinanggal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Ewan ko." Sabi niya. Napakunot ang noo ko.

"Pero nakita ka niya dati?" Sabi ko, bumuntong hininga siya.

"Oo nga." Maikling sabi niya.

"Pero bakit ngayon hindi na?" Sabi ko.

"Hay, okay fine. Meron talagang ganun, minsan nakikita kami, minsan hindi." Sabi niya.

"Ganun? Tao ba siya?" Natanong ko naman. Saglit akong tinitigan nito saka muling nag salita.

"Oo, tao siya." Sabi niya. Nangunot ang noo ko.

"Pano mo nasabi eh nakikita ka nga niya kahit hindi naman siya ang may gawa sayo." Sabi ko.

Medyo napaisip pa siya. "Eh wala akong naramdamang kakaiba sa kanya eh." Sabi niya.

"Eh bakit ka niya nakita kung ordinaryo lang siya?" Tanong ko.

"Kase katulad mo siya.." Sabi nito.

"Katulad ko?"

"Katulad mo..." Ulit niya.

"Anong katulad"

"Teka nga bakit ba tanong ka nang tanong kung ano siya? Eh ano naman ngayon kung di niya ko makita?" Iritadong sabi ni Ash.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now