• CHAPTER 06 •
"Oh love? Bakit tulala ka diyan?" Napatingin ako kay Imaginary Daze sa tabi ko.
"Kita ka niya? Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at pagkatapos nun nag laho na siya na parang bula.
Gad that ash gray hair! He's distracting me! Nakasimangot na lang akong nag lakad papunta sa school ko.
Pag dating ko sa room hayun sila pinagkakaguluhan ang magaling kong kambal.
Umupo ako sa tabi ni Gritchell na pumapagitna sa kanila ni Heartler, at itong si Gritch parang natataeng ewan, malamang e kinikilig yan. Crush na crush niya kasi itong si baboy.
"Hoy mga Ponce! Tignan niyo 'to oh! Bring your mother with plastic cover daw!" Sabi ni Alson habang nakaturo doon sa white board.
At halos sumabog ako sa kakatawa dahil sa makasulat sa board, halatang sulat ni Mam ang Lovelle and Heartler Ponce: Bring your mother pero itong mga bugok kong kaklase eh dinagdagan pa ng plastic cover. Mga sira ulo!
Napatingin ako kay Heartler na ngayong nakatingin sakin. Pareho kaming lagot kay mama nito, paniguradong malaking eksplanasyon ito.
Ginawa na lang namin ang iniwamg activity ni Mam dahil wala siya at may meeting daw ang mga math teachers.
******
"Lovelle, bakit di mo namang sinabing papasok na si Heartler, di tuloy ako nakapag ready..." Sabi ni Gritch habang nag aayos dito sa loob ng CR.
Pinanonood ko lang siyang mag make up. "E malay ko din bang papasok yun, e hindi ko nga alam ang takbo ng isip nun." Sabi ko.
Nagpatuloy na lang siya sa pag aayos niya hanggang sa matapos siya. Palabas na kami ng CR ng may mapansin akong pamilyar sakin.
"Gritch mauna kana pala, may titignan lang ako." Sabi ko sa kanya. Nung una ay nag tataka akong tinignan ni Gritch pero sa huli ay umalis din siya.
Pagbalik tingin ko doon sa may corridor ay wala na siya. Nasan nanaman ba yun? Palagi na lang nawawala sa paningin ko?!
Tinakbo ko na ang corridor kung saan ko siya nakita pero di ko siya makita doon, pinag patuloy ko ang pag lalakad sa kahabaan ng corridor.
Gusto ko lang talaga siyang makausap dahil na hihiwagaan ako sa katauhan niya.
Una, yung kabing pag sulpot niya sa kwarto ko, ni di ko nga alam kung pano nakapasok iyon sa loob dahil una, wala naman akong bintana at pangalawa, ay nakasarado na ang pinto ko nung mga oras na iyon.
Pangalawa, bigla na lang siyang naglahong parang bula nung tinuro ko siya kagabi e wala naman siyang malulusutan doon at ang pinto lang ang tanging daan.
Pangatlo, pano niya nakita si Daze na imaginary boyfriend ko, e iniimagine ko lang naman yun?
At pang-apat, itong misteryosong pag sulpot at paglaho niya—
"AHHHHH—" Napatili ako sa gulat ng may humila sakin papasok sa science lab, di pa siya nakuntento at nilock niya pa ang pinto.
Naantala lang ang pag tili ko ng takpan niya ang bibig ko kay nang mahimasmasan ako kinagat ko ang kamay niya na naging sanhi ng pag bitaw niya sa bunganga ko.
"You have that habit of biting my hands, are you a dog?!" May halong inis na sabi ni..
Napalingon ako sa may hawak sakin kanina at di ako nag kamali, siya nga! Si gwapong ash gray ang buhok, panong?
"Matanong ko nga, may lahi ka bang kabute at bigla ka na lang susulpot kung saan saan?" Tanong ko sa kanya habang hawak niya ang kamay niyang kinagat ko.
"Hmm, maybe?" Nakangiting sabi niya, aba, mood swing? Kanina lang eh na iinis siya sakin ngayon nginingitian lang ako? E ang balita ko pa naman masakit daw ako mangagat pero siya ang bilis makarecover?
Simple siyang umupo doon sa isang arm chair at tinignan ako, tinignan ko lang din siya at may narealize akong isang bagay.
"Pano ka nakapasok dito? Huh?" Tanong ko sa kanya, di kasi nag papapasok dito ng outsiders, kahit na public lang 'to, mahigpit parin ang security nila.
Pansin ko ring di naka uniform ang isang 'to at basta na lang nakalusot sa guard.
"Well..." Sabi niya at nag pogi sign saka nag kibit balikat. What?! So dahil lang doon kaya siya naka pasok? Nagagawa nga naman. Tss.
"Alam mo ikaw marami pa kong tanong na gusto—" Pareho kaming napatingin sa labas ng marinig namin ang kumakalansing na susi.
Paktay! Napatingin ako kay gwapong ash gray na simple lang na nakatingin sakin. Aish! Isang 'to.
Hinatak ko ang kamay niya at hinila sa ilalim ng teachers table na napakasikip.
Pilit kong pinagkasya kaming dalawa sa ilalim nun, pinakikiramdaman ko lang ang kilos sa labas.
Narinig ko na rin ang pag bukas ng pinto. "Asan ba yun..." Boses ng isang baba, naririnig ko ang yabag ng paa nito palapit samin at halos pikit mata na lang ako naghintay na pagalitan ako, pero ilang minuto na kong nakapikit, ni isang sigaw ay wala akong narinig...
Pagdilat ko at mukha na para bang anghel na ang nakita ko. Im staring at this pair of ash gray eyes, while his just staring at my pale lips.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ng malamig, I jusg feel like, I want to kiss him..
>.<
YOU ARE READING
Imaginary Boyfriend: Lovelle Ponce
FantasiLovelle Ponce (14) Original Date: • September 16 2018 • October 23 2018