IMAGINATION 43

43 6 0
                                    

• CHAPTER 43 •

"Ms. Aj? Ms. Aj?" Nagmulat ako ng mata ng marinig ko ang boses ni manang pero una kong nakita ang mala anghel na mukha ni...

ASH?!

Bigla akong napabangon at naitulak siya pero ang ending ako pa ang nahulog sa kama.

"Ms. Aj! Ms. Aj! Ayos lang po ba kayo? Ano po ba kasi ang ginagawa ninyo?" Tanong ni manang.

Napasilip tuloy ako sa kama at hayun si Ash, nakangising nakadapa sa kama ko! Kainis!

"Do you dream about me, babe?" Gusto ko siyang sigawan at bugbugin dahil sa inis pero di ko magawa dahil nandito si manang.

"A-ayos ka lang po ba talaga Ms. Aj? Namumula ka po, gusto niyo po tawagan ko po ang Mommy niyo?" Tanong ni manang.

Agad akong napatingin kay manang. "A-ah, hindi na po.. A-ayos lang po ako." Sagot ko.

"Kinikilig ka babe.." Muli akong napatingin kay Ash ng sabihin niya iyon at bwiset! Punong puno na ko!

Napatayo ako at inis na inis na tumingin kay Ash at hayun ang loko! Naging maamong tupa.

"M-miss?" Para namang natakot sakin si manang kaya binalingan ko siya ng tingin at hayun, namutla si manang.

Pilit akong ngumiti. "Sige manang, ayos lang ako, pwede na kayong umalis." Sabi ko at pinilit na maging masigla ang boses ko.

"P-pero po.." Di na ko makapaghintay na sapukin si Ash kaya pinagtulakan ko na si manang palabas.

"Nako manang! Ayos lang talaga! Sige na po, alis na po. Hehe." Wika ko habang tinutulak siya palabas.

Nang mailabas ko si manang agad kong sinugod si Ash na ngayo'y nakaupo na sa kama.

"Bwiset ka! Bwiset ka! Lumayas kaaa!" Inis na sigaw ko dito at pinaghahampas pero puro lang siya salag hanggang sa di na niya napigilan ang sarili niya at itinulak ako na naging dahilan ng pagkatumba ko sa kama.

Kung kanina ay naiinis ako, ngayon ay nangibabaw sakin ang ilang at hiya, nakapaibabaw siya sakin at seryosong naka titig sakin ang kulay abo niyang mga mata.

Naramdaman kong nag init ang pisnge ko. Shit! Naitulak ko siya patayo at umalis na ko sa kama at dumiretsyo sa CR ng kwarto ko.

Napatingin ako sa malaking salamin doon. Gosh! Pulang pula ang mukha ko!

******

Gusto kong manapak sa inis dahil sa nanyare kanina, bwiset kasi eh! Mabuti na lang at nung matapos akong maligo eh wala na siya.

"Ano ba ate?! Masakit na!" Reklamo ni Heart na kanina pa napuruhan. Tumigil na lang ako at tumingin sa labas ng sasakyan, sobrang naiinis ako sa kalandian ng lalakeng iyon!

"Ano bang problema mo ate?" Tanong ni Heart, di ko siya pinansin at padabog na lumabas ng sasakyan.

Kakarating lang kasi namin sa school, nauna na kong maglakad kay Heart dahil wala kong balak na antayin siya.

Padabog din akong umupo sa seat ko, napatingin ako sa upuan ni Daze na malapit sakin, wala pa si Daze, siguro ay excuse nanaman siya ngayon.

Kahapon din ay excuse siya dahil sa siya ang Vice Pres. ng student council, buong araw tuloy akong bwiset ngayon!

"Angelaaa!" Napatingin ako sa grupo ng clown na papalapit samin ngayon. Kainis naman 'to! Dadagdag pa.

Tumabi sila saking tatlo. "Asan si Jackrill? Bakit di mo siya kasabay?" Malanding sabi ni Lei.

Tamo 'to, tatabi sakin para lang tanungin ako tungkol doon, bwiset! Kung di pa ito aalis sa harap ko! Nako baka mapagbuntungan ko 'to ng inis.

At pasalamat naman dahil dumating na si Mam Ynzejo kasabay si Heart, agad naman umalis ang tatlong asungot sa tabi ko at pumunta sa tama nilang pwesto.

Greetings and praying ang ginawa namin tsaka siya nag simulang mag lesson. Nakinig ako ng mabuti sa tinuturo niya, mahirap na at may minamaintain kami—I mean ako na image bilang isang Argebaht.

Si Heart kasi, gwapo at mayaman na kaya kahit bobo at bad boy, di parin masisira ang image niya. Ganyan sa lalake eh, tsk.

Nag focus na lanc ako sa pakikinig at luckly, nawala ang inis ko, matutuwa na sana ako ng biglang lumitaw ang malaking asungot sa tabi ni Mam.

Whut the?!

Nakangisi pa siya at sumandal doon sa board, mabuti na nga lang at walang nakasulat doon eh.

Nangunot ang noo ko ng umupo siya doon sa teacher's chair doon sa harap, ano naman kayang balak ng Ash na 'to??

Pinanood ko lang siyang libutin ang tingin sa classroom namin at muling napako ang tingin niya sakin.

Ngumisi siya at tumayo sa tapat mismo ni Mam. "Miss me babe?" Tanong niya with his seducing tone.

Hhhmpp! Bwiseetttt! Ang sarap niyang sigawan!

Kinagat niya ang lower lip niya and I found it sexy and hot! Shit! Ang init ng pisnge ko!

Pero ang lalong kinainit nito ay nung tinanggal niya ang sinturon niya at unti unting hinatak ang damit niya pataas and I just found myself standing and shouting the word, "BWISET KA!"

Uh-oh, I smell trouble..

>o<!

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now