IMAGINATION 68

56 5 0
                                    

• CHAPTER 68 •

"Love, come on eat your food." Sabi ni Daze. Kaming dalawa lang ang magkasama dito sa sulok nang cafeteria at kanina pa ko umiiyak dahil sa di alam ang gagawin ko at di ko alam kung nasan si Ash, dagdag mo pa yung sakit na nararamdaman ko dahil nakita ko ang ginawa ni Violet at isa pa yung pag kawala ni Loisa samin.

I don't know what to do. Naiiyak nanaman tuloy ako. "Love, please don't cry." Sabi ni Daze. Tumabi siya sakin at kinomfort ako.

Umiyak lang ako nang umiyak habang siya comfort lang nang comfort.

"Hey, Angela. Why are you crying?" Nag angat ang tingin ko nang may narinig akong boses.

Si Gwen. "Hey, you're here.. Didn't you know?" Tanong ni Daze. Umiling lang si Gwen at pinat ang ulo ko. "Loisa just died." Sabi ni Daze.

Well, yun lang ang alam niya dahilan. Ayoko rin lang talaga mag sabi. Mukha namang nagulat si Gwen at niyakap ako.

"My gosh, Condolence Angela.." Sabi nito. Tumango lang ako. Matapos nun ay kumain na kami—I mean sila.

Wala talaga kong ganang kumain kahit ilang pilit pa nila, kaya wala na silang nagawa. Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa class namin.

Di ako nakinig wala akong gana at gusto ko lang mapag isa. Nag didiscuss si Prof pero tulala lang ako sa labasan.

"Okay Class dismiss." Sabi ni Prof. Agad nag tayuan ang mga kaklase ko at nag mamadaling mag silabas.

Nag stay lang ako sa room, last class ko na naman eh. Napapikit na lang ako dahil napaka tahimik at payapa dito.

Naramdaman ko na lang ang tumutulong likido sa pisngi ko. "I miss you..." Bulong ko sa hangin at mabilis na nag tuluan ang mga luhang di dapat lumabas ngayon, pero agad akong nag mulat nang may maramdaman akong may nag punas nun.

Nakita ko siya, nakangiti... Ang kulay abo niyang mga mata.. "Wag ka nang umiyak.. Please.." Sabi nito.

Di ako nakapag salita dahil di ko malaman kung maniniwala ba ko o hindi pero nang kumurap ako, pag mulat ko ay walang laman na classroom ang nakita ko.

Napabuntong hininga ako dahil sa pag aakalang totoo iyon. Nalungkot namaman ako.

Ipinatong ko ang kamay ko sa desk ko at may nahawakan akong kung anong malambot doon kaya agad ko iyong tinignan.

Isang bulaklak? Saan nang galing 'to. Tinignan ko nang maigi ang bulak hanggang sa malaman ko kung saan nang galing iyon.

Napatayo ako nang marealize ang isang bagay. Agad akong tumakbo palabas nang room at pumunta sa garden na pinupuntahan namin ni Ash noon.

Sa garden galing ang bulaklak na ito at sigurado ako. Napahinto ako sa pag takbo nang makarating ako sa garden.

Tinignan ko muna ang paligid saka muling naglakad. Napadpad ako sa malaking puno dito sa garden at may nakita akong isang lalakeng nakahiga doon.

Agad akong napatakbo papunta doon at natagpuan ko si Ash na para bang hirap na hirap na. Nag gliglitch parin siya.

"A-ash?" Tawag ko sa kanya. Nag mulat siya nang mata niya. Napaupo ako at hinawakan ang mukha niya.

"N-nandito ka n-na pala..." Sabi niya, ngumiti siya kahit nahihirapan. Nasasaktan ako sa kondisyon niya.

"Argghh!" Reklamo niya at humawak sa puso niya. Nataranta naman ako at di ko na talaga alam ang gagawin ko.

"A-ash? B-bakit? A-anong masakit? A-anong gagawin k-ko?" Natatarantang tanong ko.

Tumingin siya sakin at teary eye na siya, halatang nahihirapan na. "W-wag kang masaktan... P-please.." Pakiusap niya at unti unti nang tumulo ang mga luha niya.

"H-ha? B-bakit? A-ano naman ang kinalaman nun sayo?" Tanong ko't na iiyak na rin.

"Lovelle.. K-konektado t-tayo.." Nahihirapang sagot niya. Naguluhan naman ako.

"A-anong ibig mong sabihin? N-naguguluhan na k-ko.." Umiiyak na sabi ko. Di siya nag salita at napikit na lang ang mata habang tinitiis ang sakit sa dibdib niya.

"A-ash?" Tawag ko.. Unti unti na siyang nag lalaho. "A-ash!" Tawag ko pero may mga mala aninong nilalang ang dumating sa garden.

Nung una ay natakot ako dahil sa alaalang di ko malilimutan dahil sa nilalang na iyan pero narealize ko na di ako ang pakay nila kundi si Ash.

Hinawakan ko nang mahigpit si Ash. "Anong balak niyong gawin sa kanya?!" Sigaw ko at niyakap si Ash.

"Kailangan na namin siya iuwi." Sabi nung isa sa mga anino.

"Anong iuwi?! Bakit kailangan niyo siya iuwi?" Tanong ko, lumapit sila sakin at pilit na kinukuha si Ash.

"Ibigay mo na siya samin dahil lumalala na ang kondisyon niya kung di agad maagapan maaari siyang maglaho na nang tuluyan." Sabi nung anino.

"H-ha?" Naguguluhang tanong ko. Lumuwag ang pag kakahawak ko kay Ash.

"Kapag nanyare yun, di na siya muling mag eexist sa kahit anong mundo, tuluyan na siyang mawawala." Sabi nito.

Nalito ako at tinignan si Ash. Nahihirapan na siya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga anino.

"Kapag ba binigay ko siya sa inyo.. Magiging okay na siya?" Tanong ko.

"Oo, mabubuhay siya nang maayos ngunit di mo na siya makikita pang muli." Sabi nito.

Naguluhan ako di ko malaman kung ibibigay ko ba siya o hindi, pero sa huli, ang makakabuti parin ang pinili ko.

Hinawakan at tinitigan ko ang mukha niya sa huling pag kakataon. Nagmulat naman siya. "Ash... Laging mong tatandaan.. Nakahit anong manyare.. Mahal na mahal kita.. Hanggad ko ang makabubuti sayo.. Kaya" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya kong hinalikan.

Ilang segundo lang ang nag tagal saka siya kumawala. Umiiyak siya. "Babalik ako.. Pangako." Sabi nito at unti unti na siyang nag laho kasama ang mga anino.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now