IMAGINATION 60

58 5 0
                                    

• CHAPTER 60 •

I was like a walking zombie right now, ang dami kasing gumugulo sa isipan ko ngayon eh.

Una, ang biglang pag disappear ni Ash Gray at hanggang ngayon eh di ko na mahanap.

Pangalawa, ang issue ni Daze na asawa ko si Ash Gray.

Pangatlo, ang mga kilos ni Ash Gray na tumpak sa ideal man ko na ngayon ko lang napansin.

At pang-apat, eh yung nakakalokang malaking question mark sa utak ko na kinakailangang masagot ni Ash ay yung pano siya nakita si Daze.

Nag simula na tuloy akong mag isip na di ordinaryong tao si Daze, kasi naman pano niya nakita si Ash?

"Hey, spacing out?" Tanong niya, kasabay ko kasi siyang maglakad ngayong uwian which is di na bago samin.

Tinignan ko lang siya. "Uh, I almost forgot, there is something I wanted to ask you.." Sabi niya.

Huminto kami sa pag lakad, napakamot siya sa batok niya. "Uh, about what your husband told me... na may gusto ka sakin? Is it—"

"Ah! Wala yun! Ano.. Dati na yun, okay? Hehe." Gash! Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko ngayon.

"Ah, haha, that's good to know.. Akala ko kasi"

"Daze!" Sabay kaming napatingin ni Daze sa harap namin nang may tumawag sa kanya, and then I saw Gwen—oh I mean QUEEN, siya pala yun. Well, it suits her. She really looks like a queen.

Huminto siya sa harap namin at tinignan ako, mula ulo hanggang paa then binalik niya ang tingin sa mukha ko.

Seryoso lang siya, "Ah, Gwen, di ko pa pala napakikilala sayo. She is Angela, she's just my friend.." Sabi ni Daze.

Ngumiti ako. "Ah, Gwen, nice meeting you.. Ah, sorry sa kahapon ha? Walang namamagitan samin, I swear—"

"Ah, no, I understand.. Nice meeting you too." Sabi niya. Ngumuti siya matapos ipaliwanag ang lahat. Gosh, akala ko galit siya sakin eh.

Nag usap usap lang kami ni Gwen and I could say na she can be a good friend.. Mabait siya, di tulad nina Sarah na nakakabwiset mga plastic, and also, pinababantayan niya pa sakin si Daze baka daw kasi may lumandi eh, tulad nina Sarah.

"Sige, bye Angela! It's really nice meeting you." Sabi nito nang makarating kami sa parking lot.

Nag paalam na rin ako sa kanila at dumiretsyo na sa kotse ko.

Pag uwi ko, full of hopes nanaman ako na nandoon siya sa kwarto ko. Malaki pa ang ngiti ko nang buksan ko ang kwarto ko pero unti unti iyon nawala nang wala akong natagpuang Ash Gray sa kwarto ko.

Muli akong umupo sa kama ko, I roam my eyes around... Bakit di pa siya nag papakita? I admit it I miss him! Lalo na ngayon dahil alam kong nasaktan ko siya.

Naluha ako, when I realize.. What is my feelings for him..

Im in love with that Ash Gray...

-

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now