IMAGINATION 57

50 4 0
                                    

• CHAPTER 57 •

Napatingin ako sa kamay kong hawak niya, di ko maintindihan yung tanong niya. Anong 'Do you feel the same?' kinalas ko ang kamay namin at saka dumiretsyo sa kama.

Di ko alam kung anong nanyare sakin kanina, weird ang naramdaman ko para sa kanya.

I never felt this way to anyone before. Tumagilid ako nang nakatalikod sa kanya. Alam kong nadito pa siya dahil ramdam kong lubog parin ang side na inuupuan niya.

Nag tulogtulugan na lang ako at baka sakaling umalis na siya at a minutes later naramdaman ko nang tumayo siya.

Kinumutan niya pa ko na siyang nag painit sa mukha ko, narinig ko ang pagpatay nang switch nang ilaw.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto saka ko dumilat. Di ko makita ang paligid dahil tanging ang papalubog na araw lang ang nag sisilbing ilaw ko.

Napaupo ako sa kama ko at nag isip isip.. What's with me earlier.. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Tumayo ako para sana buksan ang ilaw, nangangapa pa ko sa dilim hanggang sa makarating ako sa switch.

*click*

"What the—" Halos matumba ako sa gulat nang bumungad sakin ang nakangising mukha ni Ash.

And here my heart goes again. Beating so fast, and suddenly, I think that his cute when he smirks.

Napailing ako, erase erase! "Nice try wifey, but.. You can't fool me.. I can feel you. Tsaka sino ba namang tulog ang bigla na lang mamumula nang kumutan ko, huh?" Sabi nito, then again nag init ang mukha ko nang tawagin niya kong wifey at dahil na rin sa hiya.

Ugh! What's happening to me? "E-ewan ko sayo! U-umalis ka na nga." Sabi ko at nag martsa pabalik sa kama ko.

Naramdaman ko naman ang pag sunod niya. Nilingon ko siya at tinapunan nang masamang tingin.

Feeling ko tuloy ang weird ko, kanina lang ay di ko maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya, ngayon naman gusto ko siyang sapakin. Geez! Ano bang sumapi sakin?!

"Ano bang kailangan mo?!" Iritadong tanong ko.

"You." Simpleng sagot niya then he smirks. Ugh! Dmn that smirks!

"Tss! Tigil tigilan mo nga ako Ash Gray, at pwede ba? Tigil tigilan mo na rin yang kakangisi mo?! Nakakairita na eh!" Baka mafall ako—Ugh! Kainis 'tong utak ko, two sides??

Ngumiti naman siya ngayon. "Asus, nagwagwapuhan ka lang sakin eh." Sabi nito at bigla ba namang kumindat. Kainis 'to!

Napatalikod tuloy ako dahil nararamdaman ko nanaman ang pag init nang mukha ko.

Lintek na mukha 'to! May diperensya na yata 'tong mukha ko eh! Bukod sa may mga digidig!

"Ewan ko sayo Ash Gray!" Sigaw ko na lang sa kanya at baka sakaling mawala ang init nang mukha ko, pero nag kamali ako...

Imbis na mawala, lalo pa itong uminit at pati katawan ko at nag init din nang iback hug niya ko.

Naramdaman ko pa ang braso niya sa bewang ko at ang init nang hininga niya sa batok ko.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now