IMAGINATION 36

60 7 0
                                    

• CHAPTER 36 •

Nagtaka ako nang bigla na lang siyang ngumisi, di agad ako nakagalaw. "Oh, namumula ka? Kinikilig ka." Nakangising sabi niya.

Agad kong tinuhod ang alaga niya pero wala man lang siyang naging negative reaksyon. Kainis! Bakit ba di masaktan saktan ang isang ito!

Unfair! "Napakilig kita? Haha! Napa—"

"Hindi 'no!" Depensa ko. Maloko siyang ngumiti.

"Talaga? Bakit ka namumula? Kinilig"

"Hindi sabi! Namula ko sa galit! Bwiset kang animal ka!" Inis na sigaw ko at naglakad na palayo.

"Tss. Kinikilig ka lang.." Asar niya pa. Nainis naman ako.

"SHUT UP!"

"Kinikilig! Haha!"

"SHUT UP!"

Tinakbuhan ko na siya sa pag aakalang matatakasan ko siya pero nawala sa isip ko na di pala siya ordinaryong tao kaya ayun, nandito na siya sa harap ko.

Ang unfair talaga! Ako nag pakahirap na tumakbo tapos siya kayang mag teleport ng ganun ganun lang?!

Huminto na rin lang ako dahil masasayang lang talaga ang pagod ko. Inirapan ko na lang siya at nilagpasan.

Usap siya ng usap habang ako, kunyare lang na walang naririnig. Bahala siya sa buhay niya!

"Uy, Lovelle.. Pansinin mo naman ako, Limang taon ako nag hintay na may makapansin sakin, tapos ngayon, babaliwalain mo nanaman ako.." Pag dradrama niya.

Napalingon naman ako sa kanya, at hayun siya, mukhang pato at nakapout. Bwiset!

"Lovelle? Isda u?" Tumagos ang tingin ko ng biglang naging transparent si Ash, medyo nagulat ako kase! Sino ba naman di magugulat!

"O-oh? Bat namumutla ka? Mukha ba kong chakadal? Pasensya na di nakapag make up eh—"

"A-ah! Hindi Ate Ayu! May nakita lang ako." Pag dadahilan ko.

Nangunot ang noo niya, sign na nag tataka siya, pero ngumiti lang ako. "Ate Ayu!" Sabay kaming napalingon sa likod at hayun.. Nakita ko si Gritch na tumatakbo papunta dito, pero natigil siya ng makita ako.

Patay.. Mahabang paliwanagan 'to.

****

"Naks! Gumaganda! Di ka naglalabas tapos gumanda kana? Matry nga." Puri ni Ate Ayu.

Magsasalita pa sana ko nang pansin niya ang uniform ko. "Wow DABH, sang basurahan mo napulot yan?" Biro nito. Napakamot ako sa ulo.

"Hindi ko 'to pinulot. Binili 'to ni Mommy.." Sagot ko. Napatingin ako sa magiging reaksyon ni Gritch.

Kanina pa kasi siya tahimik eh, mukhang nararamdaman na niyang may something pero itong kapatid niya, napakaslow! Di kasi nakapag aral eh.

"Wow! May pa mommy pa! HAHA! Saan yan binili ng MOMMY mo? Sa ukay! Hay na ko Lovelle, feeling mayaman kana ha? Di lang lumabas ng ilang araw.. Pati nga yung Heart bebe namin eh di ko na nakikita.." Sabi ni ate Ayu.

Napanguso na lang ako. "Ate, di na kasi kami diyan nakatira." Sagot kong muli. Napataas ang kilay ni Ayu, si Gritch naman napatingin din.

Napahinto kami dahil nasa tapat na kami ng bahay ni Mama. "Anong pinag sasabi mo, Eh nandyan nga mama mo! Tsaka bakit ka pala nandito aber! Wag mong sabihin sa Ynxac Golden ka nakatira, nako te! Quit you on dream you mayaman feel." Sabi niya ng mali mali ang grammar.

Napakamot ako. "Ate, doon nga kami nakatira.." Sagot ko. Saglit silang natigilan ng biglang tumawa ng malakas si Ate Ayu habang si Gritch ay natigilan lang.

Pano ba naman kasi, sino maniniwala sakin? Galing ako sa squatter tapos mapupunta sa pinakamayamang subdivision sa buong bansa?!

"Alam mo, patawa ka! HAHAHA! P*- over na isip mo te!" Tumatawang sabi ni ate Ayu.

Napangiwi naman ako dahil alam kong kahit anong sabihin ko ay di sila maniniwala sakin hangga't wala akong pruweba.

*****

"ATTEE! KADIRI KA NAMAN!" Sigaw ni Gritch sa ate niya ng mabugahan siya ng tubig ni Ate Ayu.

Gulat na gulat kasi ito nang malamang isa akong Argebaht. "T-totoo po, ta?" Di makapaniwalang tanong ni Ate Ayu.

Ngumiti't tumango si Mama. Napatingin sakin si Ate. "Nako, mayaman kana pala.. Pange naman ako nung bag. Gusto ko yung galing america! Tapos mga heels! Dresss!!" Nahinto siya ng hatakin siya palabas ni Gritch.

Medyo natagalan sila sa labas at pag balik, mag isa na lang si Gritch at seryosong nakatingin sakin.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now