IMAGINATION 26

51 8 0
                                    

• CHAPTER 26 •

Seryoso kaming nag tititigan dito sa table sa kusina, magkakaharap muli kami ni Heart, Mama at nung isang sabing tunay daw naming ina.

Pero di tulad kanina, mas kalmado na ang sitwasyon ngayon. "Lj, Aj.." Tawag samin nung tunay daw naming ina.

"Im not Aj or Lj. Heartler ang pangalan ko, kahit pa gano ko kaayaw ang pangalan na yun." Galit na sabi ni Heart hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin siya.

Napayuko naman yung tunay naming ina. "Hear—A-ah, Lj.. Yun ang tunay mong pangalan, dapat ka nang masana"

"Masanay? Kung di naman kami na walay sakanya e di sana di na namin kailangang masanay pa! Ano bang rason at ibinigay niyo kami?!" Sigaw ni Heartler.

Napayuko ako, tama siya. "I-Im really sorry... It's for your own safety.." Malungkot na sabi nang tunay naming ina.

"Safety? Bakit nasa panganib ba ang buhay namin?" Naalarma ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Kind of.. Pero dati na yun.. Ngayon, maayos na ang lahat.." Sagot ng tunay naming ina.

"Ako at siya ay dating magkaibigan." Sabi ni Mama, napatingin kami sa kanya. "Highschool pa lang ay magkaibigan na kami, pero matapos ang college umalis ang mommy niya at nag punta sa states.." Malungkot na sabi ni Mama.

They are friends? "Pero makalipas ang ilang taon, umuwi siya ditong luhaan, bitbit ang tatlong buwang gulang na kambal, at kayo iyon. Nanghinga siya ng tulong sakin, sabi niya kunin ko kayo kasi nasa panganib ang buhay niyo at bilang kaibigan, tinulungan ko siya. Kahit na may pag aalinlangan, tinanggap ko kayo, at trinato kayo bilang tunay na anak, nag desisyon ako na wag sabihin sa inyo dahil baka para sa ikabubuti rin niyo iyon." Sabi ni Mama.

"E-eh bakit ba nanganib ang buhay namin? A-ayos na po ba talaga ngayon?" Takot na tanong ko.

"Oo, ayos na ang lahat, nahuli na siya.." Sabi nung tunay naming ina. "Ang ama ninyo ang nagtangka sa buhay niyo.. Di kami tunay na nag mamahalan at pinagkasundo lang kami ng magulang namin para sa business pero di nila alam may bisyo pala ang taong iyon, binalak niya kayong ibenta kapalit ang mga droga, ginawa niya ang lahat makuha kayo sakin, kinulong niya ko pero pinilit ko kayo itakas, umuwi ako dito para ipagkatiwala kay Berna kayong dalawa, sinubukan ko rin mag tago dito pero nahanap niya, kinulong niya at pinahirapan ako sa loob ng 17 years.. Pero masaya ako ngayon, dahil ayos na ang lahat. Pwede na tayong magkasama-sama." Sabi nito.

Nablanko naman ako sa narinig ko, di ko alam kung anong iisipin ko. Naaawa ako dahil sa nanyare sa kanya ma protektahan lang kami at gusto ko rin siyang makasama, pero sa kabilang banda, naalala ko si Mama, pano siya? Di ko siya pwedeng iwan na lang.

"Lj, Aj... Gusto ko na kayong kunin.." Nakangiting sabi ng tunay naming ina.

"Ano?! Matapos ang lahat basta niyo na lang kaming kukunin?!" Sigaw ni Heart at mukhang nasaktan ang tunay naming ina dahil naluha ito.

"Heartler! Di mo alam ang pinagdaanan ng ina niyo maging ligtas lang kayo! Panahon naman ngayon para makasama niyo siya!" Sigaw ni Mama.

"M-ma? Hinahayaan mo lang na kunin niya kami?" Parang gulat na sabi ni Heart. "Bakit ma? Ayaw niyo na talaga kaming kasama?" Nasasaktan na sabi nito.

"Di sa ganun anak, may karapatan kasi siya, siya ang ina niyo at matagal na niyan gusto kayong makasama kaya" nahinto si Mama ng padabog na umalis si Heartler sa harap namin.

Tinitigan ko lang sila hanggang mawala na siya sa paningin ko. Gusto ko rin umalis pero, ako, naiintindihan ko ang lahat. Minulat ako ng isang tao. Napatingin ako sa tabi ko. Nakita kong nakangiti siyang nakatingin sakin.

Ash gray...

._.

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now