IMAGINATION 42

46 6 0
                                    

• CHAPTER 42 •

"Pumayag?" Napatingin ako kay Heart sa tanong niya, eh? Busy lang siya sa pag lalaro ng video games nandito kami sa entertainment room sa bahay.

"Ano?" Paulit ko sa kanya, di siya agad sumagot pero mayamaya ay tinignan niya ko ng masama.

"Look, I've lost!" Sisi niya sakin, pumunta siya sa table kung nasan ang pagkain, sumunod ako sa kanya.

Ininom niya lang yung soft drinks in can niya saka ko binalingan ng tingin. "Pumayag?" Ulit niya. Di ako agad sumagot. Napasimangot naman siya. "Okay, I've followed you.." Sabi niya at tinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

Napangisi ako. "Ako ba talaga sinundan mo?" Pang asar ko sa kanya saka kumuha ng chips.

I heard him 'tsk' kaya lalo akong ngumisi, kunyare pa ang loko. "Well, she didn't give her answer yet." Sagot ko sa tanong niya. Agad naman siyang natahimik.

"By the way, matagal nang gumugulo sa isip ko 'to eh.. About doon sa sinabi mo.. May pumigil sakin mag pakamatay?" Sabi nito.

Medyo napangiti ako at napatingin sa likod niya, kung nasan si Ash, at aba! Anlakas ng loob kumuha ng chips! Lintek!

Napansin siguro ni Heart na nakabusangot ako at binalak na lumingon pero agad ko siyang hinarap sakin, mamaya ay magulat pa itong makakita ng lumulutang na chips.

"A-ah, oo.. Bakit?" Nasabi ko na lang. Mabuti na lang at muli siyang nag focus sakin.

"Umh, whatever is he or she.. I just want to thamk him or her.." Sabi niya. Napatingin ako sa likod niya kung saan nandoon si Ash.

Tss. Kain ng kain ang loko. "Ano bang meron diyan sa likod ko at tingin ka ng tingin diyan??" Tanong ni Heart at tumingin sa likod niya.

Great thing at walang hawak na chips 'tong isang 'to. Bumalik tingin sakin si Heart na may mukhang nag tataka.

"W-wala! May tinitignan lang ako! Alis na ko! Byeee!" Sabi ko at nag mamadaling umalis sa ent. room at dumiretsyo sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama kong gray at hinintay ang pag dating niya, and after a few minutes naramdaman ko nang lumubog ang kama ko sa likod ko.

Agad ko siyang hinarap, at hayun ang loko! Nakahiga at nakapikit sa kama ko. "Hoy! Lumayas ka nga diyan!" Sabi ko at hinampas hampas siya.

Inaantok siyang dumilat, seriously? Natutulog pa ba 'tong alien na ito. Tinignan ko lang siya kaya agad siyang umupo.

Naka indian seat siya at nakayuko. "Seriously? Natutulog ka pa ba?" Tanong ko. Napatingin siya sakin.

"Oo naman, di porque di ako ordinaryo di na ko natutulog, I use powers, teleportation and it lessened my energy." Paliwanag niya. Mm.. Is that so.

"Kaya hayaan mo na kong matulog." Sabi niya, nagulat naman ako ng hatakin niya ako pahiga kaya ang ending nakadapa ako at mukha akong makayakap sa kanya.

Ramdam ko ang init ng katawan niya, bakit ganun? Hindi ba multo siya? Ewan. Pakiramdam ko lang isa siyang multo.

Naramdaman ko din ang pag taas baba ng tiyan niya dahil sa paghinga niya.

Napaayos na lang ako ng higa ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko kaya mukhang magkaakap kami.

Napapikit ako, bakit ganun? 6:00 pa lang pero inaantok na agad ako.. Ganito ba ko ka komportable sa kanya?

-.-zzZzZ

Imaginary Boyfriend: Lovelle PonceWhere stories live. Discover now