Chapter 65- Cold Blooded Shots

204 5 0
                                    



Ilang minuto na lang at matatapos na ang 3rd quarter, dahil sa pagkawala ni Joseph ay naging maganda ang pinapakitang performance ng Shiozuka sa paint, pero hindi magpapahuli si J.K. at meron na siyang 22 points. Natapos ang 3rd quarter na may score na 72-65, lamang ng pito ang Shiozuka.

"Hindi na tayo magpapadalos dalos, kailangan na natin higpitan ang depensa, Ian ibabalik kita sa game" –Coach Kyle

"Ok coach, handa na ako hanggang sa matapos ang game na ito" –Ian

Bumalik na sa laro ang mga players.

"Feeling ko may future talaga itong si Ian, kahit napapagod siya hindi parin siya nasuko" –Coach Kyle

"Heh, ganyan naman lagi yan coach" –Adrian

"We will now start the final quarter, which team will go to the finals to face the Tigers?"

Nasa Jousei ang bola para sa opensa, dinala ito ni J.K. at muli niyang nakaharap si Ian.

"Mukhang palong palo na siya ahh" –J.K.

"Sanchez pass the ball to Carreon" mabilis niyang naipasa ang bola. Agad siyang nadepensahan ni Martin.

"Carreon pass to Robles" mabilis ang naging pasahan ng Jousei na ikinalito ng Shiozuka.

Mabilis naipasa ni Rayver ang bola sa corner kung saan nakaabang si J.K.

"Si J.K." agad na hinabol ni Ian si J.K. para pigilan itong tumira sa tres.

"Sanchez for three" pero huli na bago ito napigilan ni Ian. "J.K. Sanchez from way downtown!" dahil sa tres ni J.K. ay naging apat na lang ang lamang nila.

"Naglalaro sila ng small lineup, mas nagiging mabilis sila kahit wala si Joseph sa court" –Rodney

"Depensa tayo, pagbabayarin natin sila sa pagpapatalsik nila kay captain" –J.K.

Habang nasa kasarapan ng laro ay nagmumukmok si Joseph sa loob ng dugout, dahil sa sobrang inis ay nasuntok niya ang locker sa harap nito.

"Nakakainis! Sa lahat ng laro dito pa!" sagot ni Joseph

Kung sakaling matalo ang Jousei sa larong ito, ang game nila ngayon ang magsisilbing huling laro niya sa college. 

"Ikaw na lang ang inaasahan ko J.K., talunin mo ang Shiozuka para makapasok ulit tayo sa finals"


JOSEPH'S FLASHBACK

Noong high school pa lang si Joseph ay nag aaral siya sa public school at may pangarap din siya na makapasok sa isang exclusive school, bagamat mahirap lamang sila at nakakapag aral lamang sa public school ang mga ito ay ginamit niya ang kanyang husay sa paglalaro ng basketball.

Matangkad na bata si Joseph noong high school, may taas siyang 6'5" dati at nakikitaan siya na may future sa basketball.

"Joseph Gabales, Position: Center"

"Hmm malaki siya ahh, pwede siya maging starting center natin kahit Grade 7 pa lang siya" humanga ang high school coach ni Joseph sa height nito pero hindi siya nakitaan ng husay masyado nang pagtungtong niya ng Grade 7. Madali siyang nalulusutan ng mga players sa ilalim, mas nakakakuha pa ng rebounds ang mas maliliit sa kanya kaya hindi naimpress ang coach niya.

Dahil sa pagkadismaya ay may isang tao ang lumapit sa kanya at dinala siya sa Jousei University. "Matangkad ka ahh, basketball player ka ba?"

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon