Chapter 23: Selos Ka Noh?

1K 25 0
                                    

Erica's POV

Still have my classes and nabalitaan ko na lang na nanalo pala ang Shiozuka against COI kahapon, well good job sa kanila. 

After ng class ko nagpunta muna ako sa cafeteria, Nasaan na ba yung babaeng yun? Si Nessan yung tinutukoy ko. Siguro busy sa Rodney niya yun.

Next game daw kasi ay mas matindi na ang kalaban nila. Makakalaban raw nila ang San Agustin Golden Tigers.

''Oo nga ehh, This is one of the greatest games pustahan tayo'' bulungan ng mga tao doon

''Nasa Top spot pa ang school natin, di natin alam ang mangyayari. bilog ang bola guys'' 

''Kahit anung gawin natin, wala pa ring tatalo sa King Tiger na si Bernard'' 

Yeah, Sabi nga nila. San Agustin is a very strong team. Sabi nila sila nanaman raw ang magchachampion this season. Akalain mo yun, looking for 6-peat daw sila. At si Bernard raw ang nagdala sa tatlo sa 5 na championships nila.

Yes tama ang narinig niyo. Five straight title ang nadepensa ng San Agustin sa loob ng 5 years at ngayong season raw ang 6th straight title nila. 


Nessan's POV

Walang katapusan itong training ng mga players ng Jaguars dahil mabigat ang next game nila. they will face San Agustin Golden Tigers. 

''Kah kah kah....'' mukang pagod na pagod na si Rodney my loves ko. Kaya pa ba niya? 

''Rodney!!!'' sigaw ko

''Not now Nessan, nasa training pa ako ehh'' -Rodney

Maski si Kuya pagod na rin, grabe naman yang training na iyan, pang sundalo na ehh. 

''PRRRRRRRTTTTTT!!!!!'' pito nung coach nila.

''Miller what are you doing? SPRINT!!!!'' huwag naman ganun coach, pagod na yung tao ehh. 

Yun lang naman ang training nila, yung pagtakbo ng mabilis dahil napansin raw ng coach nila last game na mabagal silang bumaba pagdating sa depensa lalo na si Rodney. 

''PRRRRRTTTTT!!!!!'' 

Nagsilapitan yung mga players sa coach nila. 

''Ok team, this is our chance to protect our record na 3-0, this time matindi ang makakalaban natin so I want you to do your best against the Tigers, 19 years na natin hindi natatalo ang San Agustin maski sa eliminations, so this is our chance to break the streak'' 19 years? So di pa pala ako pinapanganak nun. 

''YES SIR!!!!"' 

''Kung nahirapan kayo last 3 games, mas mahihirapan kayo lalo against San Agustin. tinambakan nila tayo ng 38 points nung eliminations last year at kinapos tayo sa Final Four, papayag pa ba kayo na magchampion sila?'' 

''Anu ka ba naman coach, sino bang magsasabing oo?'' pabiro ni Kuya

''HAHAHAHA'' tawanan ng mga players

''Ok we will continue our practice tommorow after your classes at 5pm, last practice is tommorow, you may go now'' 

''SIR THANK YOU SIR!!!!'' 

Lumapit ako kay Kuya para iabot yung bag niya, palagi naman akong tagadala ng bag niyan. 

''Salamat bunso'' -Kuya

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon