Nessan's POV
Shiozuka Basketball Gym
Sumilip muna ako sa basketball court ng Shiozuka, bukas na ang game nila against Santo Domingo, at maglalaro na nga raw si Rodney sa team. Tinanong ako ni Kuya Robin about doon at nagpasalamat siya sa akin dahil ako ang nagconvince kay Rodney na muling bumalik sa basketball team.
Pagsilip ko ay seryoso ang mga players sa pagttraining including si Rodney, parang newly improve siya ngayon after nang nangyari sa amin.
"Bulaga!" ayyyy gaga.
"Ano ba? Istorbo ka ehh" nung isang araw ginulat ako ni Ekaii, ngayon nanggugulat nanaman, ano bang nasinghot ng babaeng ito?
"Wow ahh, akala ko ba ayaw mo nang magpunta dito?" –Ekaii
"Natural chinecheck ko sina Kuya Robin, bukas na ang Final Four ehh, nakakatuwa nga lang kasi after 3 years, makakatungtong na si kuya sa Final Four" deserve din naman ni Kuya Robin ang lahat ng ito, matapos ang hardwork niya heto at maganda ang kanilang chemistry plus dagdagan mo pa ng mga magagaling na 1st Year players.
"Ehem Ekaii, hindi ko ba nasabi sayo? Best player si Martin last game"
"Ehh ano? Bakit mo sinasabi sakin? Makakain ko ba yun?" -Ekaii
"Sus kunyari ka pa, sapakin kita diyan ehh" padeny pa ang luka luka "Pero infairness Ekaii ahh, gumaganda na raw performance ni Martin after ng pagkatalo nila sa Jousei". Last game kasi naka 30 points si Martin, 3 out of 4 sa 3 point area, so hindi lang siya nagfofocus sa 3 points kundi umiiscore siya from the paint or in perimeter. Then nung last 2 games nung natalo sila, nag average siya ng 25 points per game. Siguro siya na ang pumalit kay Rodney bilang scorer, maski si Kuya Robin nasapawan niya sa scoring ehh.
"Ness, malakas ba ang Santo Domingo? Wala pa akong naririnig sa kanila ehh" –Ekaii
"Oo ehh, Top 3 sila last year at may isa silang bigating rookie na naglalaro sa Santo Domingo, Matthew ang pangalan ehh, kaparehas niya ng playing style si Rodney pero mas matangkad nga lang si Rodney, saka ang sabi ni Kuya Robin sa akin, dating magteammate si Rodney at yung Matthew nung highschool sa Santo Domingo"
"Talaga?" –Ekaii
"Oo, kaya magandang matchup ito pag nagkataon"
Pinagmamasdan ko ang laro ni Rodney, parang mas agresibo siya at lalong naging masipag, siguro ay dahil makakalaban niya ang dati niyang kateammate nung highschool, pati na rin ang dati niyang school. Wala na rin kaming gagawin dito kaya umalis na kami ni Ekaii dahil busy ang mga players sa practice nila.
Rodney's POV
Ito ang last practice namin bago ang laban namin, hanggang tanghali lang kami para makapagpahinga na kami for the preparation sa game namin. Nakakaexcite lang ang laban namin bukas dahil makakalaban ko muli ang dati kong school.
"Rodney, 1 on 1 tayo" tinawag ako ni Ian at niyaya ako ng 1 on 1. Ibig sabihin ba nito ay wala na siyang tampo sa akin.
"Sige ba" ipinasa niya ang bola sa akin.
Sa akin ang ball possession at binantayan ako ni Ian pero na-spinmove ko siya at easy layup. Ang daling bantayan ng isang ito.
"1-0" –Ian
Nasa kanya naman ang bola, hindi ko siya hinayaang makapasok sa paint, nakalusot siya pero agad ko siyang nasupalpal dahil mababa lang ang talon niya sa pag layup ng bola.
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AzioneSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...