Chapter 11: New Teammate

1.2K 27 2
                                    

Nessan's POV

Hindi talaga ako makatulog kagabi promise, haixt....

Heaven na nga ba ito? Ewan ko kung bakit gumaan yung loob sa akin ni Rodney. Thank you Lord, natupad na rin ang pangarap ko magkaroon ng kilig moment sa isang tall, dark and handsome guy na katulad niya. 

''Hoy babae, mukang lutang na lutang ka jan'' binatukan ako ni Ekaii.

''Wala ka na ron'' 

''Ahhh alam ko na, kay Rodney nanaman yan noh, Hoy luka ka magkwento ka naman'' 

Kinuwento ko yung mga nangyari sa amin ni Rodney nung nasa mall kami, si Ekaii ayun, di makapaniwala. Yung dating iniisnob ka lang ng crush mo (ehem... di pala crush, loves ko na pala hahaha). Ngayon parang daig ko pang nanalo ng 100 million sa lotto. 

''Ahhhh kaya pala lutang na lutang ka, at feeling mo girlfriend ka niya. Ulul hanggang diyan na lang kayo'' -Ekaii

''Kapag naging kami, magpupush up ka ng singkwenta gamit ang isang daliri. Call??'' 

''Sige ba, pero kapag hindi naging kayo ng 1 week. Kakainin mo yung dog food ng aso namin, call??'' 

Dog food? Ako tingin mo sa akin aso? Yuck!!!

''Kadiri ka talaga, pati ba naman dog food papatira mo sa akin. Yuck!!'' 

Makapanood na nga lang ng TV. Lipat syempre sa basketball.

Pagbukas ng TV

Wala puro balita lang, wala kasing basketball ngayon ehhh. Matagal pa ang World Cup, Matagal pa magsisimula ang NBA Season, pero next week na raw yung opening ng NCAA. Mapapanood ko na rin si Rodney pati si Kuya at ang buong team ng Shiozuka. Hindi sa TV pero live wooooo...

From now, anu kayang mapanood? 

Habang nag iisip ako ng papanuorin ko ay kinuha ni Ekaii yung remote sa tabi ko at nilipat sa ibang channel, nilipat sa WWE. 

''Eto na lang, woooo.'' -Ekaii

''Wrestling? Adik ka ba? Alam naman nating scripted lang yan'' 

''Kahit na, ang sarap kayang panuorin'' 

Pagpasensyahan niyo na itong babaeng ito, wala ehh feel at home lang kasi yan. 

''Ness!!!!'' -Ekaii

Pagharap ko, hinampas ako ni Ekaii ng unan na kunyari upuan raw na pinapanood niya sa TV. 

''Para san yun ahh?''

''Wala lang, ang saya ehh'' -Ekaii

Kinuha ko yung isa kong unan at nag pillow fight na kaming dalawa, go lang ng go wooooo!!  


You take it away with all your lovin'

You take it away with just one touch


Biglang tumunog yung cellphone ko, sino naman kaya ito?

''Time out!!!'' sabi ko kay Ekaii

''Hello, napatawag ka Ian?'' 

''Ness, good news. pasok ako sa Team A ng basketball team, mapapanood mo na ako'' -Ian

''Talaga? Gutom lang iyan dre? O nalimutan mo lang mag review sa Accounting'' siya papasok sa team? Hahahaha nagpapatawa ba itong si Ian? Ehh di nga niya kaya yung mga tambay sa kanila ehh.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon