Chapter 55- A Thrilling First Round

228 6 0
                                    


Matapos mawala ni Rodney noong fourth quarter ay umabante parin ang Santo Domingo sa pangunguna ni Matthew Bantatua at ni Mickey Bankole, pero hindi nagpaatras ang Shiozuka sa matinding scoring ni Robin Gelvero at ni Shabazz Abdul Karim, patuloy parin ang dribble drive ng Shiozuka upang maibalik ang lamang.

Muling bumalik si Rodney 4 minutes na lang ang natitira sa laro

4th Quarter: 4:24 minutes remaining

Shiozuka- 83

Santo Domingo- 86

Nagtala ng career high si Matthew na 41 points samantalang nakakuha ng double double si Mickey Bankole na may 16 points at 13 rebounds samantalang sa Shiozuka ay nangunguna sa puntos ang Scoring Apostle na si Robin Gelvero na may 22 points at 4 rebounds.

"Substitution for the Jaguars, Miller comes back para kay Solitario"

"Si Rodney, bakit bumalik pa siya" –Matthew

"Sigurado ka bang kaya mo na pre?" –Martin

"Oo naman, tatlong puntos lang ang lamang nila, hahabulin natin ito" –Rodney

"Defense! Defense! Defense!" sa pagbabalik ni Rodney ay muling lumakas ang cheer ng crowd sa Shiozuka. Nasa Santo Domingo ang bola at nakahanda sa depensa ang Shiozuka, man to man defense na ang kanilang depensa.

"Jamir dribbling the ball" ipinasa ni Jamir ang bola kay Matthew pero hindi na si Rodney ang nakaharap niya.

"Hmmm nag iba na pala kayo ng strategy Shiozuka" –Coach Alfred.

"Huh!? Shabazz over Matthew? Tapos Rodney over Mickey" –Boogy

"Hindi basta basta si Rodney, oo malaki si Mickey pero hindi mo basta basta iuunderestimate ang galing ni Rodney" –Bernard

Nahirapang lumusot si Matthew sa depensa ni Shabazz dahil narin sa mahaba ang wingspan ni Shabazz at malaki rin ang katawan nito.

"10 seconds to shoot"

"Tsk paano na ito" –Matthew

"Nice defense Shabazz! Sige lang!" sigaw ni Coach Kyle

Kahit malaki ang nagbabantay kay Matthew ay inatake parin niya ang bola habang nakabantay si Shabazz, agad siyang nakaalis sa depensa ni Shabazz sa pamamagitan ng spinmove.

"Naisahan nanaman niya ako" –Shabazz

"Bantatua will attack the basket, but the ball was deflected"

"Ano ba Matthew, huwag kang magmadali, open si Jerson at Jamir sa labas" sigaw ni Coach Alfred.

"Yung bola" –Matthew

Agad na tumakbo sina Robin, Martin, Jamir at Jerson at nadulas ang bola palabas, at ang decision ng referee, Jaguars ball.

"Ano?" –Jerson

"Nice one" –Robin

"Tumama sa daliri mo paglabas ng bola" paliwanag ng referee.

"Shiozuka! Shiozuka! Shiozuka!"

"Biglang naging crowd favorite ang Shiozuka ahh" –Erica

"Parang kanina lang Santo Domingo ang chinicheer nila tapos ngayon Shiozuka naman, bandwagon yung iba ehh noh" –Nessan

"Si Robin!" –Jamir

"Robin attempt to score" agad binantayan ni Matthew si Robin pero naipasa na niya ang bola sa ilalim.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon