Dear Diary
Nakakilala ako ng isang mahusay na basketball player, bukod sa gwapo at matangkad siya ay mahusay pa siyang maglaro. Akala ko hanggang tingin na lang ako dati sa kanya pero hindi ko akalaing ang player na ito ang magpapatibok ng aking puso at ako pa ang naging daan ng kanyang inspirasyon. Pero paano na lang siya kung mawawala na ang kanyang naging inspirasyon sa piling niya?
Ang tinutukoy ko ay ang Sawing Palad na Batang Leon ng Santo Domingo High na si Rodney Isaac Miller, minsan nang nasawi sa pag ibig, minsan nang nabigo sa mga pangarap niya pero bumangon para makabawi mula sa kanyang pagkakamali.
7:00 am
"Kuya tara na malalate na tayo!" sigaw ko kay Kuya Robin dahil may pupuntahan kami, kailangan kong puntahan ang taong malapit sa puso ko.
"Wait lang nagbibihis pa ako ehh, may shooting ka Ness?" –Robin
"Baka kasi nakalipad na yun ehh" oo ngayon ang flight ni Rodney, huling sulyap lang sana sa maganda kong mukha bago man lang siya lumipad papuntang States.
Pagkatapos magbihis ni Kuya Robin ay sumakay kami ng taxi papuntang airport.
30 minutes pa papuntang airport at sobrang traffic pa, grabe naman. Bakit kasi napakatraffic dito sa Pilipinas ehh eeeeerrr.
"Anak ng tokwa naman ohh" reklamo ng taxi driver dahil sa haba ng traffic.
"Boss anong nangyari?" tanong ng taxi driver sa enforcer.
"May naaksidente, yung mamang nakamotor kasi nagcounterflow, hindi namalayang may truck na dumaan sa harap niya" ayan, andami talagang pasaway, kaya hindi naunlad ang Pinas ehh.
Iniisip ko lang kung paalis pa lang sina Rodney sa kanila, nasa airport na ba siya or nasa eroplano na siya papuntang America. Rodney please hintayin mo ako.
End of Nessan's POV
Habang nasa biyahe sila Nessan at Robin ay nakarating na ng airport sila Rodney, pero hindi na muna sila pumasok, umaasa si Rodney na maari pang dumating si Nessan o iba pa niyang mga kaibigan.
"Mamaya na tayong pumasok, I need to go to the restroom" –Tito Roger
Naiwan lang si Rodney pati ang pinsan niyang si Mia.
"Si Daddy talaga, hindi man lang ako nakapasyal dito sa Pinas, ikaw lang talaga naging purpose niya" –Mia
"So nagtatampo ka? Don't worry insan, makakabalik pa naman tayo dito" –Rodney
Mga ilang sandali ay nakabalik na ang kanyang tito. "So let's go? Maiiwan tayo ng plane"
Kinuha na nila ang mga gamit nila at sumunod sa kanyang tito.
"Rodney!!" napatigil bigla si Rodney, pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
"Nessan?" hindi malungkot si Nessan nang makita niya si Rodney, nakangiti lang ito at kumakaway kaway sa kanya, agad na lumapit si Rodney sa kanya.
"Pre, happy trip ahh, mag iingat sila sayo sa America" –Robin
Nag high five sila Robin at Rodney na may kasamang chestbump.
"Makakakaasa ka Kuya Robin, Nessan, mauna na ako ahh, huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang kuya mo" –Rodney
"Ikaw ang mag iingat, huwag iinit ang ulo dun ahh, baka mabalitaan namin dito sa Pinas na nanuntok ka sa US NCAA" –Nessan
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...