Chapter 40: Shiozuka's Weakness

265 8 0
                                    


Rodney's POV

"Shot pa pare!" nasa bahay ako ng kaklase ko dahil birthday niya at kasama ko ang mga kaklase ko sa archi class ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, mas mabuti pag ilunod ko na lang sa alak ang aking nararamdaman. Wala na ring silbi ang buhay ko, nawala na si Argelle, nawala na si Nessan, wala na rin ako sa basketball team. Ano pang saysay ng buhay ko? Paano na lang ang mga pangarap ko?

"Teka Rodney, nakakailang bote ka na ahh, tama na iyan" pinipilit agawin ng kasama ko ang bote ng beer na hawak ko.

"Ehhhhh!" reklamo ko "Kulang pa ito, bumili pa kayo ng isang case!"

"Lasing ka na ehh, masama sa kalusugan mo iyan" pinipilit parin nila ako pero hindi ako nagpaawat.

"Ehhh ano ba!?" Nabitawan ko yung bote na hawak ko at nabasag "Ano pang pakialam mo sakin? hik! Wala nang kwenta -hik! ang buhay ko" Umupo ako at hindi ko mapigilang ilabas ang emosyon ko, nakakahiya kasi nandoon ang ilang kaibigan ng kaklase kong celebrant. "Tol, wala ba akong kwentang tao?"

"Nasasabi mo lang yan kasi lasing ka" sagot ng kaklase ko.

"Ang sama sama kong tao ano? Ang bait bait niya, wala siyang kasalanan pero nasaktan ko siya, ang sama sama kong tao pare" deserving ko talagang parusahan ang aking sarili, nasaktan ko ang babaeng nadamay lamang sa katangahan ko, naging makasarili ako. Dapat pinag isipan ko muna ito kahit sabihin kong nadulas ako o hindi.

"Masasaktan mo talaga siya pre, ginamit mo siya ehh, sineryoso ka ng babae tapos pinaglaruan mo lang" sagot ng kaklase ko.

Hindi deserve ni Nessan na masaktan nang dahil sa akin, ang laking gulo talaga ang nagawa ko.

Ang speaking of gulo.

"Rods, ang mabuti pa panoorin mo na lang ang NCAA, kaso bakit ganito ang score?" tinawag ako ng kaklase ko dahil ongoing ang game sa pagitan ng Shiozuka at Jousei. Lamang ang Jousei at kakasimula pa lamang ng 2nd Half.


Robin's POV

Naiinis ako, nakuha na ng Jousei ang lamang, 2 points ang lamang nila nang matapos ang 1st Half.

Big advantage si Joseph, hindi siya kaya ni Shabazz mag isa.

"Gabales attack the basket! Foul by Shabazz, that will be his 3rd Personal Foul"

"Ano?" –Shabazz

Nako lagot, paano na ito? 3 fouls na si Shabazz.

"Nice Joseph!" –J.K.

Dahil sa foul ni Shabazz ay nakakuha ng bonus free throw si Joseph. Naging 4 points ang lamang ng Jousei.

Muli kaming bumalik sa opensa, inilabas muna si Shabazz at ipinalit si Jeff. Problema ito dahil kulang ang bigman namin sa team.

"San Jose move the ball pass to Matias, ibinalik kay San Jose, pull a two pointer, short!" hindi nakuha ang rebound!

"Gabales with the rebound!" Lagot na, nakakarami na si Joseph sa rebound.

"Sanchez with the ball, here comes the Falcons through the offense, pass the ball to Robles" natrap siya sa ilalim pero naibigay niya kay Joseph papunta sa paint.

Ako ang humarang sa kanya pero nakapagdunk si Joseph at napasabitan niya ako ng foul. "Foul! Basket counted!" Natumba ako sa dunk ni Joseph.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon