Nessan's POV
Nakakalungkot lang at nakakaiyak.
Nasayang ang 30 points ni kuya sa game nila against Jousei tapos natalo sila ng 1 point. 1 point na lang ehh, kung nandoon sana si Rodney, nanalo sila sa game na iyon.
Teka? Ano bang pakialam ko sa taong yun?
Ok na din ang Jaguars, hindi na siya kailangan dun, 1 point lang naman ang lamang ng Jousei, kaso nalulungkot padin ako sa sinapit ng team.
Mga 10 pm ay dumating na si Kuya Robin galing sa game.
"Good evening kuya" hindi pa ako natutulog, nanonood pa kasi ako ng TV ehh.
"Good evening Ness" umupo si Kuya sa sofa at tinanggal ang varsity jacket na suot niya, nagpunta ako sa kusina para ikuha siya ng tubig.
"Kuya ohh, alam kong pagod na pagod ka na"
"Salamat Nessan" –Robin
"Kuya, sorry kung natalo kayo ahh"
"Ayos lang, sa totoo lang kasalanan ko kung bakit kami natalo, saka bakit mo sinisisi ang sarili mo?" –Robin
"Kung hindi sana nag away si Rodney at Ian nang dahil sakin, edi sana kumpleto kayo, natalo niyo ang Jousei, 1 point na lang ehh"
"Wala kang namang kasalanan Nessan, kasalanan ko talaga yun, hindi sapat ang maraming puntos, naging makasarili ako" –Robin
Habang umiinom ng tubig ay walang ginawa si Kuya Robin na sisihin ang sarili niya sa pagkatalo nila sa Jousei. "Masyado kong inisip ang sarili ko, nung naalala ko yung sinabi mo na susuportahan mo ako kahit papaano, doon tumaas ang momentum ko, sa sobrang taas, nakalimutan ko na may mga kakampi ako sa paligid ko, dahil doon, naubusan ako ng lakas, hindi ko natapos ang game"
"Ok lang yun kuya, lahat naman tayo may pagkakamali, saka babalik narin naman yung dalawang yun sa next game, hayaan mo na kuya, susubukan kong magmove on para kay Rodney, hayaan ko na lang siyang magfocus sa game ninyo"
Napatahimik si Kuya Robin "Wala ka na bang pagmamahal para sa kanya? Hanggang doon na lang ba matatapos yun?"
"Bakit kuya?" sagot ko.
"Wala lang, galit ka lang dahil niloko ka niya Ness, I'm sure mahihilom din yang puso mo para patawarin muli si Rodney, mahal mo pa siya hindi ba?" –Robin
Hindi ako makasagot, kinakabahan ako na parang ewan "Oo kuya"
"Ikaw na din nagsabi, lahat tayo nagkakamali, at pag nagkamali, pwedeng bumawi, at ganun ang gagawin namin next game" –Robin
Kahit masakit, mahal ko parin si Rodney, pero hindi pa ito ang tamang panahon para magpatawad. Well nevermind na lang, I'm wishing na lang na sana maging maganda ulit ang takbo ng team nila next game.
SHIOZUKA BASKETBALL GYM
Author's POV
Dalawang araw after ng game nila sa Jousei ay iilan lang ang sumipot sa practice ng basketball team, kaya masyadong badmood si Robin.
Habang nagddrills at nagshu-shooting ay hindi naiwasang ibato ni Robin ang bola sa board ng ring.
"Patay" –Jeremy
"Grrrr!!" ibinato ulit ni Robin ang bola sa board.
"Robin ano ba? Masisira yung board ng ring" awat ni Shabazz.
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AksiSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...