Nessan's POV
"Ang traffic naman!" –Erica
"Si Lucas kasi ang tagal magising ehh, edi sana maaga pa lang nandoon na tayo" –Lorraine
"Chill, Premium Box naman ang ticket natin, for sure hindi tayo maaagawan ng pwesto dun" pero baka maagawan kami ng magandang spot, gusto ko kitang kita namin kung paano magchampion ang Shiozuka mamaya.
Nakakaexcite, nakakahilo at najijingle na ako dahil sa nervous, kaba at sobrang traffic, bakit kasi palaging traffic dito ehh.
Ito na ang araw kung saan malalaman ang magiging kampeon sa pagitan ng Shiozuka at San Agustin, mabuti na nga lang at maaga kaming nakabili ng ticket para sa game ehh kasi after ng semifinals, sold out na ang ticket para sa finals, siguro dahil gusto talaga mawitness ng mga tao ang game ng Shiozuka at San Agustin.
Then after a minute ay nakarating na kami, ang daming tao, ang daming naka dilaw, puti, pula, gold, para tuloy may fiesta ehh kulang na lang isabit para bandiritas ehh.
"Tara na pumasok na tayo" –Erica
"Wait may ilalabas lang ako hahaha" inilabas ng isa naming kaklase na si Lucas yung tarp na pinagawa niya na may nakalagay na "Go Ian Solitario at Go Adrian Gutierrez" tapos ang nakakatawa.
"Bakit langit ang background? Ano papatayin mo sila!?" –Lorraine
"Haixt ewan ko sa inyo" –Nessan
"Hahahaha langya, parang pinatay lang yung dalawa ahh" natawa tuloy si Ekaii.
"Ehh heto uso ehh hahahaha" –Lucas
"Hello!" pagtalikod ko, nakita ko si...
"Argelle!?" hindi lang si Argelle, kasama niya ang rookie of the year na si Matthew Bantatua ng Santo Domingo Red Lions.
"Teka? Siya yung ex ni Rodney diba?" –Ekaii
"Manonood din kayo? Wow ahh sino magiging bet niyo?"
"Teka si Matthew Bantatua yun ahh, taga Santo Domingo?" –Lucas
"Oo, yung nakatapat ni Rodney nung final four" –Lorraine
"Bilang dating schoolmate ni Rodney, magchicheer kami para sa kanya at sa team niyo" –Argelle
"Teka bakit kasama ako? Hindi ko susuportahan yung Rodney na yun" hanggang ngayon ba hindi parin sila magkasundo? Tinalo ka na nga ni Rodney ehh, laglag na kayo.
"Alam kong gustong bumawi ni Rodney sa college after ng kapalpakan niya nung high school kami, gusto kong makita ng mabuti ang magiging performance niya against San Agustin" –Matthew
"Since taga Shiozuka kayo, heto po ohh" naglabas ng shirt yung kasama namin. "Mamili na lang kayo kung yellow or white"
"Ehh?" –Matthew
Since pasok sa finals ang Shiozuka, libre ang shirts for all the students to show support sa Shiozuka, Yellow and White, iyan ang school color pride namin. Kaya hindi ako magtataka kung sasabog ang araneta dahil pare parehas kami ng suot hahahaha.
"Tara pumasok na tayo" –Lorraine
Ang daming tao ngayon, kaabang abang talaga ang finals na ito, mas marami pa ata yung nanonood ngayon compare last year ehh, so that means hindi lang taga Shiozuka at San Agustin ang mga manonood dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/16113051-288-k768517.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcţiuneSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...