Chapter 85- Can This Be Love?

276 7 0
                                    


Author's Note:

Not sure if kikiligin kayo or masasaktan kayo, since malapit na ang Valentines Day, naisulat ko lang ito para kiligin at matauhan kayong lahat, maski na rin ako hahaha!

Ok game!


Nagpunta sa simbahan si Erica para magdasal at magpasalamat sa Diyos matapos ang matagumpay na 1st semester, hiniling niya na sana ay maging maganda ang result ng kanyang mga grades bago magsimula ang 2nd semester.

Pagkatapos ay nagsindi siya ng dalawang kandila at nanatili muna doon.

"Erica?" bigla siyang tinawag ng isang lalaking nakahoodie at naka eyeglasses.

"Kilala ba kita?" mahinahong sagot ni Erica.

Tinanggal nito ang salamin niya at ibinaba ang hoodie. "Bernard?"

"Shhh huwag kang maingay" –Bernard

"Anong ginagawa mo dito?" –Erica

"Nagtitirik ng kandila, nakita mo naman diba?" –Bernard

"Sabi ko nga, bakit naman balot na balot ka? Ang init init kaya, may sakit ka ba?" –Erica

"Tara dun tayo sa park" –Bernard

Nagpunta sila Erica at Bernard sa park sa likod ng simbahan, kaunti lang ang tao dito kaya walang iistorbo sa kanila.

"Wala akong mukhang maiharap sa lahat, especially sa San Agustin Community, ang hirap ngang humarap sa mga schoolmates ko after ng finals, andaming nangbabash sa akin, mapa personal, social media, ewan ko ba" napafacepalm si Bernard habang kinukwento kay Erica ang kanyang hinanakit. "Bakit ganun sila? Tatlong taon kong tinulungan ang team ko para bigyan ng championship tapos sa isang iglap gaganunin ka nila, hindi ko alam kung saan ako nagkulang"

"Huwag ka nang malungkot, hayaan mo na sila, hindi lang kasi nila alam ang pinagdaanan mo" –Erica

Inilabas ni Erica ang kanyang phone, may ipapakita sana siya kay Bernard kaso. "Hindi ko na ipapakita sayo, baka magalit ka lang sa akin"

"Ano ba iyan?" –Bernard

"Nababasa ko sa comment sections ang pangbabash nila sayo, ang dami pa ngang ginawang memes sayo ehh, hindi na lang ako natatawa, naaawa ako sayo Bernard" –Erica

"Ganun?" –Bernard

"Oo, kung ipapakita ko sayo ito, baka panghinaan ka pa ng loob, huwag mo na lang silang pansinin, hindi nila kasi alam ang hirap na ginawa ninyo, imaginin mo naka 5 peat kayo, tapos tatlo ng championship galing sayo, wala na akong masabi sayo kundi you're a best player, madami ka nang napatunayan kaya no reason para ibash ka ng mga tao" –Erica

"Thank you Erica, mabuti na lang at nandito ka, palagi na lang ako mag isa after the championship" –Bernard

"Try to move on and proceed to the next chapter, mabuti nga at graduating ka na at balita ko maglalaro ka na raw sa professional league sa summer" –Erica

"Hindi ko nga alam kung itutuloy ko pa ehh, gagatungan lang naman ako ng mga tao" –Bernard

"Ohh ayan ka nanaman, sabing huwag mo na silang papansinin ehh, tandaan mo may mga tagahanga ka pa at ako iyon" –Erica

Napangiti na lang si Bernard. "Talaga?"

"Oo naman, susuportahan kita kapag nasa professional league ka na, hindi kasi kita masuportahan nung NCAA ehh dahil kalaban ka namin hahaha" –Erica

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon