Chapter 56- Semifinals, Here we come!

230 5 0
                                    


Santo Domingo College

Isang araw matapos ang game kontra sa Shiozuka Jaguars ay nagbago na ang routine ng ilang mga players ng Santo Domingo Red Lions, natalo ang Red Lions sa overtime na naging dahilan ng pagkakatanggal nila sa NCAA Tournament.

"Dahil sangkot sa pag aalsa sa Cavite ang tatlong paring martir na Gomburza ay hinatulan sila ng execution or pagbitay noong 1872 sa Bagumbayan, dahil sa pagkamatay ng tatlong paring ito ay nagising ang damdamin ng ilang mga Pilipino sa pag aalsa sa mga Kastila"

"Yawwwwn..." kasalukuyang nasa klase si Argelle at hindi mapakali dahil ngayon lang niya hindi nakitang pumasok si Matthew. Hindi niya alam kung masama ang loob niya sa pagkatalo nila sa Shiozuka.

"Maganda ang performance ni Matthew kahapon, I'm sure marami na siyang tagahanga hindi lang dito sa Santo Domingo, maski ata si Rodney napahanga niya sa laro nila kahapon" sa isip ni Argelle, naalala rin niya ang tapatan ni Matthew at ni Rodney na isa sa mga best matchups sa NCAA, hindi niya akalaing mula sa pagiging magkakampi noong high school ay magiging magkalaban sila.

"Miss Esguerra? Nakikinig ka pa ba?" hindi napansin ni Argelle na tinatawag siya ng kanyang professor dahil kanina pa siya nakatulala sa harap ng bintana ng classroom nila.

"Ehhh sir?" –Argelle

"Wala ako sa labas, nandito ako. I'm asking a question a while ago" sagot ng professor.

"Ehh? Ano po yun?" –Argelle

"Hmmm nevermind" dahil sa pag iisip niya ng kung ano ano, nawala ang atensyon ni Argelle sa klase nila.


Pagkatapos ng klase

"Ok that's all for today, class dismissed" natapos na ang kanilang klase at naglabasan na ang mga estudyante. "Miss Esguerra can I talk to you?"

Biglang kinabahan si Argelle. "Sir? Dahil po ba tulala ako kanina?"

"Nope, tatanong ko lang kung bakit hindi pumasok si Mr. Bantatua? Alam kong may game sila kahapon pero kahit sched ng practice nila nilalakdawan niya para lang pumasok sa klase ko"

"Ehhh yun na nga po sir ehh, hindi ko rin alam ehh" –Argelle

"Hmm siguro pagod lang yun, maganda ang naging performance niya kahapon ehh, masipag na bata si Matthew, kahit focus siya sa basketball, hindi niya napapabayaan ang kanyang pag aaral, sige you may go na" –Prof

"Thank you sir, sasabihan ko na lang siya pag nagkita kami" lumabas na sa room si Argelle at lumabas na ng campus para umuwi. "Nasaan na kaya si Matthew?"

Napatigil siya at nagpunta sa gym, alam ni Argelle kung saan palagi nakikita si Matthew at hindi siya nagkamali.

"Matthew" –Argelle

Nakita niya si Matthew na nagsshooting sa basketball gym.

"Argelle ikaw pala, sorry hindi ako nakapasok" –Matthew

"Ikaw ahh hindi ka napasok ahh, hindi ka naman pala absent ahh, nag aalala tuloy sayo si sir" –Argelle

"Pasensya na, kailangan kong magfocus ehh" –Matthew

"Focus saan? Wala na kayong game ahh, laglag na kayo" –Argelle

"Sa kanila tapos na, pero sa akin hindi pa" hinawakan ni Matthew ang bola at pinaikot ikot. "May tatlong taon pa ako, maghaharap parin kami ni Rodney at hindi na ako magpapatalo sa kanya"

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon